Dr. Rayleigh

1088 Words
RAY’S POV “Finally!” Napaunat ako ng aking mga kamay saka napabuga ng malakas na hangin. It’s been a week since Eoghan and her pregnant wife went back to Ireland. Bukod sa pagiging abala bilang isang doktor ay naging abala din ako bilang information gatherer at supportive best friend sa kaibigan kong si Eoghan na isang Irish businessman. Kahit na Irish ito ay bihasa ito sa salitang tagalog dahil sa mga naging kasambahay att empleyado nitong mga Filipino. Naparito siya sa bansa upang palawigin ang kanyang negosyo pero hindi ko inaasahan na sa pagtatagal niya sa bansa ay isang Filipina rin ang makakapagpatibok sa pusong bato ng aking kaibigan. “At least hindi nasayang ang lahat ng pagod ko,” palatak na napangiti ako habang hawak ang isang folder na naglalaman ng mga mahahalagang papel ng isang villa resort sa bayan ng Villa Nueva. Bago umalis ng bansa si Eoghan ay ibinigay niya sa akin ang kontrata at ang deeds of sale ng villa resort. It’s not totally mine, kagaya ng napag-usapan. Nahihiya naman akong tanggapin ang alok nito kaya napagdesisyunan na gawing partners na lang. In short, dalawa kaming nagmamay-ari ng resort na iyon. Malaking pasasalamat ko na nga na pumayag ito na maging investor sa plano kong pagpapagawa ng sarili kong ospital kaya ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan niya. “Palm Haven Beach Resort, sounds like a vacation,” bulong ko pa habang binabasa ang pangalan ng resort. I need to rest, I feel like I’m about to collapse. Doktor ako at alam na alam ko na kailangan ng bawat tao ang sapat na pahinga. Sa amin pumupunta ang mga pasyente upang magpakonsulta pero kami ring mga doktor ang unang umaabuso sa aming katawan dahil sa sobrang pagtatrabaho. I am Rayleigh Dela Cuadra, the son of Alfred Dela Cuadra and one of the grandsons of Don Adolfo Dela Cuadra. This year, our family is thriving in the business world and it’s because of my cousin, Onyx. Dati ang pagkakakilanlan ng aming angkan ay hanggang Asya lamang pero nang dahil kay Onyx ay tuluyang namayagpag at nakilala sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod kay Onyx ay markado na rin ang mga pangalan ng aking mga pinsan na sina Alexander na naging ambassador ng bansa sa bansang Espanya, si Jasper at maging ang bunsong layas na si Jethro. Gusto ko ring magkaroon ng ambag sa aming angkan. Gusto ko ring makilala bilang ako, na isang doktor at hindi bilang isang miyembro ng pamilya Dela Cuadra. Tinapos ko ang lahat ng aking mga kailangang gawin sa araw na iyon at kinabukasan ay balak kong umalis papunta ng Villa Nueva upang masilip ang resort na aking pag-aari at syempre para na rin makapagbakasyon. “Saan ka pupunta, Kuya? Business trip o babae na naman?” tanong sa akin ng aking kapatid na si Reign na bigla na lamang pumasok sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na ito pinansin at nagmamadali na akong nagbihis. “Don't touch my things while I’m gone,” banta ko rito. Dala ang isang maliit na maleta ay sumakay na ako sa aking kotse upang magpunta sa bayan ng Villa Nueva na halos apat na oras din ang layo mula rito sa lungsod. Dalawang oras na ang makalipas at ilang kilometro na lang ang layo ko sa bayan na aking pupuntahan ay bigla naman akong nakatanggap ng tawag mula kay Lolo Adolfo. “Yes po, ‘Lo. Napatawag kayo?” tanong ko kaagad kay Lolo nang mai-connect sa aking earphone ang tawag. “May nakapagsabi sa akin na nag-vacation leave ka raw ngayon. Since wala ka naman gagawin ngayon, puntahan mo nga si Jethro sa Monte Cielo. Balita ko ay may anak na raw ang layas na iyon,” ani Lolo. “Ha? Lo, wala na ako sa city. May pupuntahan ako ngayon, actually nasa biyahe na nga ako,” pilit na itinatago ang inis sa aking boses. “Saan ka ba papunta?” “Sa Zambales po, Lo.” “Sakto, nasa Tarlac lang si Jethro. Daanan mo na muna at susunod ako, nagsasabi sa akin ang batang iyon na magpadala ng doktor upang mapatingnan ang ina ng kanyang mga anak dahil mukhang nabinat daw dahil sa pagtatrabaho.” “Lo,naman. Hindi naman ako family doctor. Pwede naman kayong tumawag sa isa sa mga private hospitals at papuntahin sa lugar nila. No one dares say no when you speak,” sagot ko pa. “Just do what I say. Susunod din ako roon para makita ang kambal pagkatapos ng check-up ko,” pagkasabi nito ay pinatay na kaagad nito ang tawag. Malakas na napabuntong ako ng hininga. Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos ni Lolo. Mabuti na lamang ay halos kakapasok ko pa lang sa bayan ng Tarlac. Ibinigay sa akin ni Lolo ang eksaktong address kung saan naroroon si Jethro at namangha ako sa laki ng lupain na pag-aari ng angkan ng kanyang ina. Sinalubong ako kaagad ni Tita Catalina na buhat pa ang isa sa mga sanggol na sa tingin ko ay ang anak ni Jethro. Gusto kong matawa nang makita ko ang itsura ni Jethro na parang kinawawa sa suot nitong lumang pantalon at manipis na sando na pwede ng maging basahan. “What the—, ano yang suot mo?” pigil ang tawang tanong ko nang makalapit ako sa kanya. “Don't ask anymore, can you just look at Enna?” anggil nito sa akin. “Enna? Is that your woman?” “She’s not just a woman, she’s the mother of my children.” “And the one who captured the runaway señorito,” dugtong ko pa na ikinatahimik nito. Hindi ko na ito inasar pa dahil sa tingin ko ay mukhang sobra nitong mahal ang babaeng kanyang tinutukoy sa buka pa lang ng kanyang bibig at sa talim ng kanyang mga tingin. Why does it seem like all the men I know are falling in love? I am also at my 30s kung tutuusin ay mas matanda pa ako kay Jethro pero naunahan niya akong magkaanak at mukhang malapit na rin ikasal. For me, marriage and women can be a burden in achieving my goals. Ang babae ay tanging nagbibigay lang sa akin ng aliw, pampalipas ng oras at pampatanggal ng init na katawan. I swear, hindi ako magagaya kina Eoghan, Jethro o kahit sa mga kaibigan kong hulog na hulog sa babae. I am Dr. Rayleigh Dela Cuadra. I don’t bow to women’s approval, because I’m the one they chase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD