Chapter 56

1330 Words

Dumating si mama na may kasamang sanggol sa sumunod na linggo. Kakalabas niya lang sa hospital at kakapanganak niya lang. Isang linggo din siyang nagtagal sa hospital. Isang linggo din akong nagtitiis na kumain ng hayop sa gubat. Nakatitig lang ako sa bata na nasa bisig ng aking ina. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o ano pero nanahimik lang ako. "Ang cute cute naman ng baby oh..." nakangiti si mama habang tinutukso si Athena. Nalaman kong Athena ang pinanggalan nila sa bata. 'Yon kasi ang tinatawag nila at bukang bibig. "Tignan mo oh. Ang cute niya. Kamukhang kamukha ko siya." si mama habang pinapakita kay papa. Nakisama naman si papa sa panunukso at nagtawanan sila ni mama na para bang wala ako dito kasama sila. "Ang ganda ganda naman ng batang yan. Mana kay mama." nakangiting l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD