"Jinky, can we talk?" Tinaasan ko ng kilay ang nakapulang palda na hapit sa legs, may suot na matass na takong, at kulang na lang ay lumuwa ang naglalakihang dibdib sa suot na maikli at hapit na blouse kong co-worker.
Nakangisi at nakataas ang kaniyang kilay nang lingunin niya ako na siyang nakapagpainis sa akin lalo. "Yes, Mr. Alcazar?"
Ngumiwi ako nang marinig ang tila palaka niyang boses. Nakakairita at nakakawala ng mood. Kahit na umaapaw na ang inis na nararamdaman ay pinilit kong kumalma. Huminga ako ng malalim bago siya sinabihang sumunod sa akin at nagpatiuna sa paglalakad patungo sa stock room.
"You f*ckin' hid the evidence!" Galit kong bungad nang tuluyan na siyang makapasok sa stock room at masara ang pinto. Ramdam na ramdam ko ang inis sa loob ko at kung hindi ako magpipigil, baka masapak ko pa siya ng wala sa oras kahit na babae siya.
"What? Ngayon ibinabato mo sa akin ang katangahang ginawa mo?"
Suminghap ako at pumikit. Kailangan kong kumalma at baka masapak ko na talaga siya ng tuluyan. Okay... breathe in, breathe out.
"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na dahil sa katangahan mo, nawala ang mga ebidensyang hawak na sana ng team natin? Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga, edi sana ay nabubulok na sa kulungan 'yung suspect!"
"Paano nga mangyayari 'yun kung ikaw mismo, na siyang team leader namin, ay tinatago ang mga ebidensya? You don't want the bast*rd to rot in jail dahil asawa siya ng isa sa mga pinsan mo! Hindi ko nga maintindihan kung bakit team pa natin ang may hawak ng kaso gayong malapit ka sa suspect?"
Bahagya siyang natigilan. Ang kaninang ngisi sa mukha niya ay bahagyang nawalan at ang mapangutya niyang tingin ay naglaho rin. Ang akala ko ay maayos na siyang makikipag-usap sa kabila ng nag-iinit na atmospira sa pagitan namin ngunit nagkamali ako.
Sumeryoso lalo ang mukha niya na siyang bahagyang nakapagparamdam ng kaba sa akin. Nakilala ko si Jinky bilang isang masayahin, madaling pakisamahan, at madaldal na tao kaya naman nang malaman ko ang ginawa niya ay hindi ako makapaniwala.
Dahil sa kaniya, napatunayan ko na ang lahat ng tao ay hindi mabait. Lahat tayo, kahit mala-anghel pa ang kilos, ay may itinatagong baho. Sadyang magagaling lang talagang magtago ang iilan kaya't inaakala natin na sila ay tunay na mabubuti.
"Totoo nga ang sinabi ni Attorney. Sadyang tuso ka, Mr. Alcazar. Ni hindi ko man lang napansin na minamanmanan mo na pala ako?" Tila mga alipin niya ang bawat balahibo sa buong katawan ko nang lahat ng mga ito ay nagtaasan dahil sa lamig ng boses niya. "Sino nga naman kasing mag-aakala na ang baguhang gaya mo ay matindi pala mag-isip na maging ako, na ilang taon na sa larangang ito ay nagawa mong mabuking?"
Bagsak ang baba ko habang pinakikinggan ang pag-amin niya. Sa tinagal-tagal niya rito sa industriya, ilang inosenteng tao na kaya ang nakulong dahil sa anomalyang ginagawa niya? Ilang kriminal kaya ang malayang nabubuhay ngayon sa labas? Ilang tao kaya ang kasabwat niya at ano ang lehitimong rason nila para gawin ito?
"What..." hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang mga salita ay parang rumaragasang baha sa isipan ko at nag-uunahan palabas sa bibig ko.
"Anong gagawin mo ngayon, aso ni Attorney?" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Ang takot na hindi ko nararamdaman kahit na may baril na nakatutok sa akin ay bigla na lang nagparamdam dahil lang sa nakakatakot na itsura ni Jinky. Parang bigla akong napunta sa bingit ng kamatayan.
"Ah, dahil aso ka ni Attorney, malamang ay mag-susumbong ka, hindi ba? Aw-aw..." panggagaya niya pa sa tahol ng aso. "Gusto mo ba, samahan kita para naman maitama ko ang maling impormasyon na sasabihin mo sa kaniya?"
Pareho kaming napahinto nang biglang may kumatok. Dahil siya ang malapit sa pinto, siya na rin ang nag bukas noon at naunang lumabas. Gulat at kakaibang tingin ang ibinigay nang isa naming kasamahan na may dalang napakaraming papel.
Umiling na lang ako at iniwan siya roon. Nagpatuloy ako sa pagta-trabaho na parang walang nangyari ngunit hindi ko maiwasang hindi kilabutan at mainis sa tuwing nakikita ko si Jinky. "May lead na kami sa suspect sa pagpatay kay Alicia Martinelli..." mabilis ang pagbaling ko sa kapapasok lang na si Attorney Chexter.
Halos madapa rin ang mga kasama ko sa pagmamadaling makalapit kay Attorney na kasunod ang sekretarya niyang may dalang mga papel. Nagtama ang tingin namin. Tinanguan ko siya nang bahagya siyang tumango at ngumiti sa akin. "Ang mga ebidensyang nakalap ninyo nitong mga nakaraan ay nahanap na ulit. Nasama ang mga ito sa mga papel na itinambak sa kabilang building. Mabuti na lang at hindi naitapon kundi, back to zero tayo sa pag-iimbestiga..." lumapit kami sa mesang nasa gitna ng opisina.
Malawak ang opisina at lahat kami ay may kanya-kanyang mesa. May iba't ibang team dahil tatlong Attorney ang nagtatrabaho rito sa firm na itinatag ni Attorney Chexter. Pagpasok mula sa pinto ng opisina para sa team namin ay sasalubong ang isang mahabang mesa at sa dulo ay ang puting screen at projector na siyang ginagamit sa tuwing nag pepresent. Ang bawat mesa ay nasa gawing kaliwa ng kwarto at ang sa kanan ay ang maliit na kusina.
"What do you mean, Attorney?" Kapansin-pansin ang bahagyang panic sa mukha ni Jinky. Ngumisi ako nang sumulyap siya sa akin.
"Three days ago, the evidences your team gathered suddenly disappeared, right?" Sabay-sabay kaming nagsitanguan. "I asked the maintenance team to clean the whole office, and even the extension office in Pampanga. But to no avail, they didn't found this papers but because luck is still on our side, Ceasar managed to find this in the extension office stock room..."
"But, are we sure that this evidences are not tampered? I mean, may iba nang nakahawak sa mga ito and paanong nakarating ang mga papel na ito roon sa napakalayong office? Nandito tayo sa Bataan and yet, nakita ang mga papers na ito sa kabilang probinsya? I'm pretty sure this papers are already tampered."
"She's right. Hindi na tayo sigurado kung hindi tampered ang nga evidences na iyan. I'm sure, like Ms. Jinky, someone already tampered those documents..." ipinakita ko ang pinakamatamis na ngiting kaya ko sa may umuusok na ilong na si Jinky.
I just realized na I need to expose her. Kaya naman nang matapos ang meeting ay agad kong kinausap si Attorney patungkol doon. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa opisina niya at nang kaming dalawa na lang, wala na akong sinayang na oras at sinabi agad sa kaniya ang mga nalaman ko.
Noong una ay bakas ang gulat sa mukha niya ngunit unti-unti iyong nawala at napalitan ng tawa na siyang ipinagtaka ko. "You know what? I didn't know you're that naive, Joseph. I have known you since high school and yet, I just realized now that you're still as naive as a high school student. Madaling utuin, paikutin.."
Napanganga ako sa mga sinabi niya. "Sa industriyang pinasok mo, malabong makakita ka ng tapat na tao. Lahat ay may ginagawang kalokohan, manalo lang sa laban. Kaya kung paiiralin mo ang katapatan mo, tiyak na lulubog ka, hindi ka pa man nagsisimula."
"I don't get it. Dahil lang sa iyon ang madalas na galawan dito, iyon na rin ang gagawin mo, ganoon ba?"
"Look, Joseph..." tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair at sumandal sa kaniyang lamesa, hinaharap ako ng tuluyan. "Attorney ako at sumisweldo ako sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kliyente at upang makakuha ng kliyente, kailangan kong patunayan ang kredibilidad ko. Paano ko magagawa iyon, kung magpapatalo ako sa mga buwayang mandadaya na kalaban ko?"
Hindi ko maintindihan ang argumento niya. Hindi ako makapaniwala na ganito siyang mag-isip. "I can't believe na ganito ka mag-isip, Attorney. Just because 'cheating' is 'normal' in this industry, that doesn't mean you'll also cheat just to f*cking win. Just for your-so-called-client na ngayon ko lang napagtanto na hindi lahat ay nakakuha ng hustisya."
"What do you want me to do then? Sige nga, tignan natin kung gaano ka kalalim mag-isip. Patunayan mo na hindi ka naive gaya ng iniisip ko..." tumayo siya ng diretso at pinantayan ang tingin ko.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung sana ako dadalhin ng pinaggagawa ko ngayon. Kung masisante, hahanap na lang ako ng ibang trabaho. "Apologize. Fire Ms. Jinky for her wrong doings. Admit your mistakes, and start from scratch but this time, make sure na tama na ang lahat ng ginagawa mo."
Tumawa siya matapos kong magsalita. Kumakabog ang dibdib ko at halos maiihi na ako sa kaba. "You think I'm an idiot? I would rather fire you, than Ms. Jinky. She's capable and you're not. She's not naive like you, and she's doing everything to make this firm known for its great work not like you who wants this firm to rot."
Panandalian akong nakaramdma ng pagsisisi sa mga ginawa ko. Bakit ko nga ba kasi naisip na pakialaman pa ang mga galawan nila dito? "I'm sorry, Joseph. I maybe your friend for how many years but hindi ko pwedeng hayaan na masira ng pagkakaibigan natin ang mga pangarap kong unti-unti pa lang na nabubuo. I'm sorry but your fired..."
D*mn. Kung sanang hinayaan ko na lang sila. Kung hindi ko na pinairal ang pagiging pakialamero ko, edi sana may trabaho pa ako. Kung sanang nanahimik na lang ako.
But then, what I did is just right, 'di ba? Gusto ko lang naman na maging patas sila-kaming lahat lalo na't umaasa ang nga tao na kami ang poprotekta at magbibigay ng hustisya na hinihingi nila, hindi ba?
Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Kailangan ko nang simulan ang paghahanap ng ibang trabaho. L*cheng buhay 'to.