Sa kabila ng matinding panginginig ng mga tuhod ko at pagbaligtad ng sikmura ko ay pinili kong manguna ang tawag ng serbisyo sa akin. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa kaawa-awang bata.
"Joseph..." Bahagya kong nginitian si Aling Sita nang hawakan niya ang kamay ko. Umiling siya, pinapahiwatig na huwag kong gawin ang kung ano mang binabalak ko pero kung susundin ko siya, bakit pa ako nagpunta rito?
Marahan kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin at saka ipinagpatuloy ulit ang paglalakad palapit sa bata. Isang araw pa lang ako pero ganito na ang nangyari. Hindi ako makapaniwala na totoo ngang may pumapatay rito. I admit, hindi ako lubusang naniniwala but now, I'm convinced. Nasa harapan ko na mismo ang isa sa mga biktima and no one knows kung sino at ilan pa ang susunod.
Nagpunta ako rito hindi para magbakasyon kundi para alamin ang totoong nangyayari sa lugar na ito at kung paiiralin ko ang takot ko, bakit pa ako nagpunta rito in the first place?
Lumuhod ako sa gilid ng bata. There's a small cut sa right side ng kaniyang leeg na siya marahil dahilan ng pagkamatay niya. Kasabay ng malalim kong paghinga ang marahang paghawak ko sa mga mata niya para maipikit ang mga iyon.
They say na kapag ang tao ay namatay na nakamulat ang mga mata, that person is seeeking justice. And I promise to this young woman na ibibigay ko ang hustisyang deserve niya at ng iba pang batang naging biktima kagaya niya.
Ang puting t-shirt ng bata ay puno ng iba't ibang guhit gamit ang dugo. I don't know kung sadya iyon o hindi but the thing is, may kung anong hugis na nabubuo kung tititigang mabuti ang mga linya.
Patayo, pahiga, pahilis... ilan lang iyan sa mga guhit na makikita sa damit ng bata. "Sino ang lalaking iyan?" Bulong ng kung sino sa likod. Pasimple ko lang siyang sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa bata.
What should I do? Saan ako magsisimula? For the first time in my whole career, ngayon lang ako na-confused ng ganito. Kahit maliit na ebidensiyang pwedeng magamit ay wala akong makita.
Tumayo ako at bahagyang lumayo sa bangkay saka kinuhanan iyon ng litrato. I also took a picture sa lahat ng nandito at sa buong lugar while trying to look for a possible weapon like a knife or something pero wala. Tanging ang katawan lang talaga ang nandoon at ang mga taong nakikiusyoso. Medyo madilim ang paligid at tangin ang dalawang poste lang na may ilaw ang nagbibigay liwanag sa buong plaza kaya kinailangan kong gumamit ng flash upang hindi maging madilim ang kuha ng litrato.
"Anak ko!" Napaatras ako nang may babaeng bigla na lang sumulpot kung saan at itinulak ako. Lumuhod siya sa tabi ng bata at agad iyong niyakap. Matinding iyak ang namutawi sa paligid. Bawat sigaw, bawat hagulgol ay tumatatak sa isipan ko. Ang mahinang kurot sa dibdib ko ay tila nagtutulak sa mga luha ko para bumuhos. "Anak ko!"
It's hard seeing a mother hugging her lost child... 'Yung wala ng magagawa para ibalik pa ang buhay. Kahit gaano karaming luha ang iiyak, gaano kalakas ang sigaw at pagmamakaawa, walang mangyayari. Ang sakit makita ng ina na pilit na nagdadasal maibalik lang ang buhay ng kaniyang anak.
I thought malakas na ako. I thought sanay na ako na makakita ng mga ganitong bagay but I'm not. Hindi ko alam kung gaano karaming pangyayaring gaya nito ang dapat ko pang makita para lang masanay at hindi na maiyak pa.
Imbes na panoorin ang babae na magmakaawa at yakapin ng mahigoit ang anak niyang wala ng buhay ay mas pinili ko na lang na tumalikod at umuwi. Hindi ko kaya. Matagal na nang huli akong nakakita ng ganito dahil mas nag focus ako sa mga mas magaan na kaso at hindi ko alam kung nagsisisi ba ako o ano.
Wala sa sarili akong naglalakad palapit sa bahay. I suddenly missed my mom. Kamusta na kaya siya? Hindi ko na siya gaanong nakakausap since I started working under Chexter. Itinatak ko sa isipan ko na tatawagan ko siya kapag may oras na ako.
Halos lumabas ang puso ko sa gulat nang may bigla na lang humawak sa kamay ko. "Joseph? Ayos ka lang ba?" Muntikan ko pang mamura at maspaak si Aling Sita na siya palang bigla na lang nanghahawak. "Bakit? Para kang nakakita ng multo..."
Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano pero ako naiinis but of course, hindi ko iyon papakita sa kaniya. "Ayos lang po, medyo gulat lang." I even forced myself to smile para lang maipakitang ayos lang talaga ako.
Tumango siya ng bahagya at sinuklian ang ngiti ko. "Kung ganoon ay maiwan na muna kita. Hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan dahil nga sa nangyari kaya kailangan ko ng umuwi. Naghapunan ka na ba?"
Now that she mentioned it, doon ko pa lang naramdaman ang gutom ko. Wala akong pagkain sa bahay dahil natulog lang ako buong maghapon kaya naman umiling ako. "Kagigising ko lang po nang tawagin ninyo ako kanina."
"Kung ganoon ay huwag ka ng mag abala pa na magluto. Hahatiran na lang kita ng pagkain mamaya."
Nagpasalamat ako. Hindi nawala ang ngiti niya hanggang sa talikuran na niya ako at nagsimulang maglakad palayo. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa bahay. Nagmadali pa ako dahil paglingon ko sa likuran ay sakto namang paglingon din ni Aling Karmen sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko lalo na nang ngumiti at kumaway siya saka naglakad palapit. Bastos na kung bastos pero hindi ko talaga masikmura ang ginagawa ni Aling Karmen. She's too old yet she's so flirty.
The moment na makapasok ako sa bahay ay agad kong ini-lock ang pintuan. Mahirap na at baka sa sobrang kapal ng mukha ni Aling Karmen ay kumatok pa siya rito.
Paupo na sana ako sa sahig nang mapansin ang isang tasa na nakapatong sa lababo. Anong ginagawa ng tasa roon? Sinong naglagay? Kunot noo kong nilapitan iyon. May lamang kape. Paanong may kape rito gayong--ah, oo nga pala. I almost slapped my face dahil sa katangahan. Ganoon ba ako nabigla sa mga nangyayari na nakalimutan kong nagtimpla nga pala ako ng kape bago lumabas kanina? Isang araw pa lang ako sa lugar na ito pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na.
Bitbit ang malamig na kape ay bumalik akong muli sa sala at saka naupo sa sahig. Wala pa akong upuan at kahit anong gamit maliban sa mga pinamili ko kahapon at ang maliit na kama, dalawang unan, at isnag kumot dahil ang ibang mga gamit na sinasabi ni Aling Sita na ipahihiram niya ay hindi pa niya naibibigay sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko para muling tignan ang mga litratong kinuha ko kanina. Normal lang ang lahat. Malulungkot na mga mukha ng mga tao ang nakuhanan ko, ang iba ay lakas loob na nakatingin sa bata habang maluha-luha ang mga mata, ang iba ay nakayuko, marahil ay umiiyak na ng tuluyan habang ang iba naman ay nag uusap-usap.
Isa-isa kong izinoom ang mga mukha ng bawat taong nandoon. Wala ni isang bata at karamihan ay nga babae lang. I was about to give up nang may mapansing kakaiba sa grupo ng mga babaeng abala sa pag-uusap. Tatlong babae iyon na magkakatabi at nakatingin sa isa't isa. Sa likuran nila ay may dalawang lalaki na nakatitig sa katawan ng bata na nakahiga sa lupa.
Ang isang lalaki ay nakausot na itim na t-shirt at itim na cap. Tingin ko ay kasingtangkad ko lamang ito ngunit ang maputi niyang balat ay agaw pansin dahil ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay pare-parehong may kayumangging kulay. Ang isang lalaking katabi niya ay may mas magandang katawan at mas matangkad ngunit kayumanggi. Nakasuot ito ng kulay yellow na t-shirt at ang buhok niya'y kulot.
There's really nothing wrong with the picture. Is that just, pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanila at bigla na lang nilang inagaw ang atensyon ko that is why I really asked Aling Sita about those guys at napag-alaman ko na pareho silanh nagtatrabaho sa bayan at miminsan lang kung umuwi rito.
Is that a coincidence, though? Na kung kailan sila nandito ay saka may namatay na bata? Aling Sita and Aling Lota never mentioned na araw-araw may pinapatay na bata that's why I assumed na once in a while lang..Isinulat ko sa maliit na notebook ang information ng dalawang lalaki. I even took a screenshot kung saan ang mukha lang ng dalawang lalaki ang kuha. Ito na ang simula ng trabaho ko rito.
Mabilis na limipas ang mga araw. Sa isang linggo ko rito, hindi na muling nasundan pa ang pagpatay. That's great though kahit na alam kong mahihirapan akong mahuli ang pumapatay because of lack of evidence and suspect.
Nang sunod na gabi pagkatapos matagpuan ang bangkay ng batang babae ay nakita kong muli sila ngunit hindi na nagawa pang lapitan dahil naging abala ako sa pakikipagkilala sa mga kapitbahay at pakikinig sa bawat sinasabi ni Aling Sita habang nasa lamayan kami. Idagdag pa na panay ang iwas ko kay Aling Karmen na walang ibang ginawa kundi ang sumod sa akin.
"Chexter, totoo nga na may pumapatay rito sa Assunta pero wala pa akong nakukuhang ebidensiya maliban sa litrato ng isang biktima..." Naiinis na usal ko habang nakaupo sa lumang sofa na galing kay Aling Sita at inihatid ng mga 'di ko kilalang lalaki kanina. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at ipinikit ang mga mata.
"What do you want me to do, then? Ang usapan ay huhulihin mo muna ang pumapatay bago ko susundin ang mga gusto mo."
"I told you, tumawag lang ako para i-update ka sa nangyayari rito at hindi para ipagawa na ang mga gusto kong gawin mo, bakit ba hindi mo maintindihan iyon, Chexter?"
Kumunot ang noo ko nang makarinig ng mahinahong tawa sa background niya. Tingin ko ay hindi siya nag-iisa at babae ang kasama niya base sa tunog ng tawa nito. "Alright, alright, chill your butt. Busy akong tao, Joseph kaya hindi mo na kailangang i-update ako sa bawat nangyayari sa iyo riyan. Tawagan mo na lang ako kapag dumating na 'yung araw na aarestuhin mo na ang sinasabi mong mamamatay bata at habang hindi pa nangyayari iyon, huwag mo na muna akong tawagan."
Inis kong ibinagsak ang cellphone sa tabi ko. Tang*na, talaga bang corrupted na ang utak ni Chexter? Frustrated kong tinitigan ang bintana. Umaga ngayon kaya hindi ako makalabas. Hindi rin ako makatulog kahit na inaantok na ako at kailangan kong matulog dahil mamayang gabi ay kakausapin ko si Aling Sita para masagot ang iilang katanungan ko.
Tumayo ako at saka naglakad palapit sa bintana kong sarado. May maliit na butas doon kaya pilit kong sinisilip ang labas. Wala akong makitang tao maliban sa mga paminsan-minsang dumadaan na mga truck na may dalang mga sako-sakong kamote o 'di kaya ay palay. Akala ko ba bawal lumabas tuwing umaga pero bakit may mga dumadaan parin? Karamihan ay mga lalaki na tingin ko'y magsasaka.
Kaya naman pagkalubog pa lang ng araw ay naglalakad na ako papunta sa bahay ni Aling Sita. Ang mga kapitbahay ko ay nagsisimula pa lang magbukas ng ilaw at lumabas samantalanh ako ay narito na, nakahawak sa maliit na gate nina Aling Sita at nag-iisip mung tatawagin ko ba siya o hihintayin na lang na lumabas?
"Si Aling Sita nandoon sa amin. Anong ginagawa mo rito sa gate niya?" Masungit na tanong ng batang babae. Ito 'yung isa sa mga apo ni Aling Lota ngunit hindi ko matandaan ang pangalan niya. "Nanakawin mo?" What? Sino ba namang matinong tao ang magnanakaw ng gate na puno ng kalawang?
Dumating ang isa pang bata na pilit hinahatak ang batang babaeng masama na ang tingin sa akin ngayon. Napalingon tuloy ang batang tumatawag sa kaniya at agad na napayuko. "Pasensya na po kung ginugulo kayo nito. Sadyang masungit lang po talaga siya at gusto niya'y siya palagi ang nasusunod. Sarah, tara na!"
Pinanood ko ang dalawang bata na naglalakad na ngayon palayo sa akin. Hindi pa rin inaalis noong Saraha ng masamang tingin niya kaya ang ginawa ko, sinamaan ko rin siya ng tingin. Tingin ko ay ikinainis niya iyon dahil halos madapa ang humahatak sa kaniya nang pilitin niya bawiin ang kamay niya at tumakbo palapit sa akin.
Mabilis akong umalis mula sa kinatatayuan at tumakbo papunta sa bahay ni Aling Lota habang tinatawanan si Sarah na pumulot ng maliit na bato at pilit ibinabato sa akin. Pasensya siya pero magaling akong umilag kaya wala ni isa ang tumatama sa akin.
"Ang salbahe mong matanda ka!" Sigaw niya na siyang ikinatawa ko lang.
Pagod na pagod tuloy ako pagkarating sa bahay ni Aling Lota. Halos hindi na ako makapagsalita para magtawag kaya nang lumabas mula roon ang Aleng hinahanap ko ay halos tumalon ako sa tuwa. Bakit ba kasi nakipaghabulan pa ako, ayan tuloy at hinihingal ako.
"Anong nangyari?" Gulat akong nilapitan ni Aling Lota at nagawa pa niyang hawakan ang braso ko. "May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.
I was about to answer nang may lalaking bigla na lang sumigaw, "walang hiya ka, Lota! Sinasabi ko na nga ba't may kabit ka!" and the next thing I knew, malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ko hanggang sa bigla na lang mandilim ang paningin ko.