Mabilis akong lumingon sa taong pinanggalingan nang boses na iyon. Kitang-kita ko ang naka-kunot noo na si Ariane habang nakatingin sa akin. Dahil sa nangyari hindi ko na panatili ang pagkontrol ko nang aking kapangyarihan na naging dahilan nang pagkawala nito. Lahat nang mga sibat na aking ginawa kanina ay bigla na lang naglaho. Kinakabahan akong nakatitig kay Ariane habang naglalakad ito papalapit sa akin. Hindi ko kaya ang mga titig nito kung kaya ay agad akong umiwas. Sakto naman na dumapo ito sa gawi ni Minerva na gulat na gulat na nakatingin kay Ariane. Kilala ba niya si Ariane? Akala ko ba ay walang nakakaalam sa babaeng 'to, rito? "Binibining Ariane," bati ng aming guro at yumuko rito. Ganoon din ang mga ginawa nang ilang estudyante bago ito tumayo at namamanghang nakatingin sa ba

