Tahimik lamang akong naka-masid sa labas ng bintana habang hinihintay ang aming biniling pagkain. Hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan nila gayong seryoso ko lamang tinitignan ang paligid. Nais kong maka-siguro na wala ‘yong taong laging nagpapahamak sa buhay ko. Ayaw ko malagay na naman sa alanganin at ganoon na rin ang aking aming kasama. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ibinalik ang aking tingin sa kanila. “Ang galing!” Sambit ni Elfrida habang tumitingin sa paligid, “Ngayon ko lang nasubukan ang pumunta sa ganitong klaseng lugar. Sa aming bayan ay hindi ako pinapayagan ng aking ina na lumabas.” “Hindi ka naman siguro ignorante, Elfrida.” Sabi ko at mahinang hinampas ang kaniyang balikat. “Siyempre naman!” Tugon nito. Napapailing na lamang ako sa tuw

