Past "Kori,"tawag nito sa akin. Gulat na gulat lamang akong nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala na nasa harap ko na ang taong ilang araw ko ng hinahanap. Anong ginagawa niya rito? Kaya ba siya nawala ng matagal dahil pumunta siya sa bayan na ito ng walang paalam? "Alam kong galit ka sa akin at nagtataka ka kung bakit nandito ako pero hayaan mo muna akong magpaliwanag,"sambit nito, "Hindi ko sinasadya na lumayo sa iyo, may rason ako kung bakit ganoon na lang ang inasta ko noong sinabi mo 'yon sa akin. Sana naman ay hayaan mo 'kong magpaliwanag." Hindi ako maka-imik sa gulat. Hindi ko talaga inaasahan na sa lahat ng taong makakasalamuha ko ay siya pa. Ano nga raw? Paliwanag? Ano pa ba ang kailangan niyang ipaliwanag? Klarong-klaro naman na galit siya sa akin dahil biglaan ang na

