*AINESSA‘ POV* ~~ MANGHANG-MANGHA ako sa ganda ng penthouse ni Ramsey. Dati sa mga movies ko lang ito nakikita, pero ngayon nasa harapan ko na. Nakakatakot hawakan ang mga display dito sa sala, itsura pa lang nila ay halatang mamahalin na. Pumunta na ako sa kusina para tingnan kung anong niluluto niya. Nadatnan ko siyang hinahalo yung niluluto niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya, wala pang kami pero kung asikasuhin at alagaan na niya ako wagas. Ngumiti ako sa kanya ng napatingin siya sa pwesto ko. "Nagugutom ka na ba?" Tanong niya habang papalapit sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Hinapit niya ang aking bewang, para lalong magdikit yung katawan naming dalawa. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko. "If you want, you can eat me." Bulong niya sa akin, dahilan para tum

