CHAPTER 5 [MY INTOXICATED UNCLE]

2246 Words
*AINESSA‘ POV* ~~~ NAGISING AKO dahil sa tawag ng kalikasan, nakapikit pa akong bumangon sa kama dahil sa antok. Medyo naging okay na ang aking pakiramdam, pero hindi pa rin nawawala yung lagnat ko. Napatingin ako sa paligid, nanliit ang mata ko nang makita ko si Ramsey sa sofa. Mahimbing siyang natutulog kahit na naka fatal position dahil maliit yung sofa. Kumuha ako ng kumot, kahit nahihirapan akong maglakad ay pinilit ko pa ring bumaba. Hinawakan ko ang mesa para tumayo, naglalakad ako na parang robot. Kahit na uminom na ako ng gamot, para kahit papaano mabawasan yung sakit pero walang epekto. Huminto muna ako saglit dahil masakit talaga. Pinagpawisan tuloy ako ng wala sa oras. Nang maramdaman ko ng medyo hindi na ulit masakit, humakbang ulit ako pero nasagi ko yung lamesa. "Arayy!!!" Halos pabulong kong daing habang hawak ang aking tuhod. Dapat kasi binuksan ko muna yung ilaw kahit lampshade lang. Nakita ko siyang gumalaw, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Baka kung anong isipin niyang gagawin ko sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad pabalik, pero nakaka dalawang hakbang pa lang ako nang may humawak sa braso ko. Mariin akong napapikit bago tumingin kay Ramsey. "Ba-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. "Anong ginagawa mo? May problema ba?" Sunod-sunod niyang tanong, ngumiti ako kahit na nakakahiya. Ano ba Ainessa, lagi mo na lang pinapahiya ang iyong sarili! Sermon ko sa aking isipan. "Wa-wala nagising ba kita?" Pabalik kong tanong sa kanya. "Ano total gising ka naman pwede mo ba akong dalhin sa banyo?" Dagdag kong tanong kakapalan ko na ang aking mukha. Kanina pa ako naiihi eh, muntik na nga akong makaihi kanina dahil sa kaba. "Dapat ginising mo na lang ako kanina, hindi yung pumunta ka pa sa sofa." Seryoso niyang sabi bago ako buhatin. Napatingin siya sa kumot na hawak ko, umiwas ako ng tingin dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Aine." Tawag niya sa akin pero hindi ko siya tiningnan. "Para saan yang kumot na hawak mo? Para ba sa akin?" Tanong niya na may halong panunukso. "Hindi ah, paano mo namang nasabing para sayo?" Nakanguso kong tanong. Pumasok kami sa banyo, bago niya ako binaba nagsalita muna siya. "Balak mo bang kumutan ako? Nagaalala ka para sa skin?" Muli niyang tanong habang nakangiti. "Hindi assuming ka." Pagtatanggi ko, hmp ayoko nangang sabihin yung totoo. Mahina lang siyang tumawa bago lumabas, ako naman ginawa ko na ang dapat gawin. Nang matapos na akong umihi, naghugas muna ako ng kamay bago siya tinawag. "Ramsey, tapos na akong mag banyo." Maya-maya pa ay bumukas na yung pinto. "Yung totoo Aine, para sa akin yan?" Pangungulit niya sa akin bago buhatin. "Bakit sa sofa ka natulog? meron foam sa may closet room ko, bakit hindi mo yun ginamit?" Nakakahiya sa sofa pa talaga siya natulog. Ano na lang iniisip nito. "Okay na ako doon, nag-aalala ka talaga sa akin nuh?" Kanina pa siya ngiting-ngiti trip ng lalaking 'to. Talo niya pa yung mga teenagers kung kiligin. "Hirap na hirap ka kayang matulog, para kang katawayan na nabali." Pinahiga na niya ako sa kama. "Uminom ka na ng gamot tapos mamayang umaga para tuluyan ka ng gumaling." Nagbukas na siya ng gamot at nagsalin ng tubig sa baso bago binigay sa akin. "Bumalik ka na sa pagtulog." Seryoso niyang sabi pagkatapos kong uminom. "Sa sofa ka ulit matutulog?" Nagi-guilty na tanong ko. "H'wag mo akong alalahanin, matulog ka na paano ka gagaling. Alas dos palang ng madaling araw Aine." Napabuntong hininga na lang ako, tinalikuran ko na siya pero nanatili pa rin akong nakadilat ang mata. Makakatulog ba ako nito kung alam sa sofa na naman siya matutulog. Matanda na pero ang tigas ng ulo niya. Ramdam ko na lumubog yung kama sa aking gilid. Nagulat ako ng yumakap siya sa akin mula sa aking likuran. Agad akong tumingin sa kanya seryoso ang mukha niya. "Baliw ka ba? H'wag kang tumabi sa akin baka mahawan ka." Ngumiti lang siya sa akin bago pumikit. "Matulog ka na tatabihan na lang kita sa pagtulog. Hindi ako mahahawaan ng sakit mo, 'wag ka ng umangal." Lalong humigpit ang yakap niya sa amin. Hindi na ako nagsalita pa ipinikit ko na ang aking mga. Hanggang sa nilamon na ako ng antok. ~~~~~ NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa aking tabi pero wala na si Ramsey. Siguro umalis siya ng maaga, sana naman tuluyan na akong gumaling ngayong araw. Mainit pa ako pero hindi na katulad kahapon. Dahan-dahan akong bumangon sa kama pati sa pagtayo. Hindi na din masyadong masakit yung pagkababàe ko. Lumakad ako palabas ng aking silid, gising na kaya yung dalawa may pasok kami ngayon. Pero ako hindi muna makakapasok, bukas na siguro dahil hindi pa tuluyang magaling yung sakit ko. Habang pababa ako ng hagdan ay may ulam akong naaamoy. Wala namang marunong magluto sa amin dito. Pagbaba ko ng hagdan agad akong nagtungo sa kusina. Nakita ko doon si Ramsey, seryosong naghahanda ng breakfast. "Ramsey, hindi muna kailangang magluto." Sabi ko sa kanya, napatingin siya sa akin halatang nagulat nang makita ako. He came closer to me and put his hand on my forehead. "Okay na ako, hindi na masyadong masama ang aking pakiramdam. Magaling kasi yung doctor na nag-alaga sa akin." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mabuti naman dahil kung hindi ka pa magaling dadalhin na kita sa ospital. Tatapusin ko lang 'tong niluluto kong ulam." Bumalik na siya sa pagluluto, ako naman naupo at pinapanood ang kanyang ginagawa. Nainggit ako bigla kasi ang galing niyang magluto. Bibihira na ang lalaking marunong magluto sa panahon ngayon. "Ano ba yang niluluto mong ulam?" Tanong ko sa kanya. "Beefsteak my Aine, malapit na itong maluto. Gusto mo ba ng gatas o kape?" Pabalik niyang tanong sa akin. "Coffee, yung creamy latte." Agad kong sagot kumuha na siya sa drawer at tinimplahan ako. Nakangiti niyang inilapag sa mesa yung kapeng tinimpla niya. "Thank you Ramsey." Binalikan na niya ang kanyang niluluto, hinalo-halo at tinignan kung okay na ba yung karne ng baka. May inilagay siyang mga White union bago tinakpan at pinatay yung gasul. "Mamaya bago mag-dinner pupunta ako dito, diba kakain tayo anong gusto mong pagkain?" Tanong niya sa akin habang nagsasandok ng niluto niyang steamed broccoli. Bago nilagyan ng Beef steak sa gilid nito. "Kahit ano, hindi naman ako maselan sa pagkain." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa inihanda niyang pagkain. "Pwede ko bang tikman?" Nakangiti kong tanong excited lang, nakakatakam kasi ngayon lang ulit ako makakatikim ng lutong bahay. Mukha kasi kaming order dito eh. "Sure, siguradong pasok yan sa panlasa mo." Kinuha ko na yung tinidor, una kong tinusok yung broccoli bago beef steak. "Hipan mo muna dahil mainit pa." Paalala niya tumango lang ako. Nang maihipan ko na ay agad kong isinubo. "Hmmmm, ang sarap." Sabi ko habang ngumunguya ang lambot ng beef sakto sa combo nitong broccoli. "Ngayon lang ulit ako nakatikim ng lutong bahay, lagi kasi kaming umo-order lang." Sabi ko sa kanya bago muling tumusok. May bago ba akong favorite, sana turuan niya ako kung paano magluto nito. "Don't worry lagi kitang papadalhan ng lutong ulam if you want." Sunod-sunod akong tumango basta usapang pagkain mabilis ako doon. "Salamat na agad." Mahina siyang tumawa, nilagyan niya pa yung plano ko. Pareho kaming napatingin kina Eevee at Daveda nakakababa lang ng hagdan. Naka-uniform na sila mukhang maaga sila ngayon. "Hindi ka pa rin magaling girl?" Tanong ni Daveda bago tinignan yung pagkain. "Hindi pa may sinat na lang ako, siguro bukas wala na 'to." Agad kong sagot bago sumubo. "Ano yan?" Tanong naman ni Eevee, sabay turo sa kinakain ko. "Beef steak gusto niyo? Ayon oh niluto ni Ramsey." Turo ko doon sa kawali nagkatinginan sila "Bruha ka hindi ka na nahiya pinagluluto mo si Mr. Socorro." Mahinang sabi niya sa akin, hindi ko naman siya inutusan eh. "If I prepare her meals, it won't bother me." Malamig na sagot ni Ramsey, ayan na naman siya sa nakakatakot niyang aura. "Kumain na kayo bago pumasok, hindi ko naman mauubos yang niluto niya." Sabi ko sa kanila, napatingin ako kay Ramsey ng ipinagsandok na niya yung dalawa. "H'wag mo ng piliting pumasok kung hindi pa kaya ng iyong katawan. Kami na ang bahala sa teacher natin." Nakangiti na sabi Daveda bago sumubo. "Ang sarap ng luto mo Mr. Socorro, ang swerte siguro ng iyong mapapangasawa." Nakangiti sabi ni Eevee. "Sa true ngayon lang ulit ako nakatikim ng lutong bahay. Makapaghanap nga din ng lalaking marunong magluto." Kinikilig namang sabi ni Daveda. "Sus baka sa iba na namang magaling yang mahanap mo. Basta kasi gwapo go ra.. kahit babaero tapos iiyak-iyak." Mataray na sabi ni Eevee, ayan na naman po silang dalawa kahit kailan talaga. "Kesa naman sayo, masyadong mapili pero niloloko din naman." Hindi magpapatalo na sagot ni Daveda. "Nasa hapag kainan tayo nagtatalo na naman kayong dalawa" Singit ko sa kanilang usapan. Sabay silang napatingin sa akin sumenyas akong may ibang tao kaming kasama. Haller nakakahiya yung inaasal nilang dalawa, baka mamaya kung ano pa ang masabi nilang kabastusan, mga wala pa namang preno yung bibig ng dalawang 'to. Pareho silang natawa, ayan para kayong mga tangà ngayon. Kahit kailan talaga. "Ikaw muna ang bahala sa kaibigan namin Mr. Socorro, wala ka namang sigurong gagawin na masama sa kanya." Seryosong sabi ni Eevee, napaubo naman ako kung alam niyo lang ang pinaggagagawa niyan sa akin. "Wala kayong dapat ipag-alala ako ng ang bahala kay Ainessa." Malamig pa rin niyang sagot bago kumuha sa plato ko ng pagkain. Ngumisi sa akin yung dalawa, mga nasa isip nito iba na naman. Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na silang dalawa. Muli nila akong tinignan ng nakakaloko, pinanlakihan ko naman sila ng mata. Tumingin ako kay Ramsey nang kami na lang dalawa sa kusina. "Aalis ka na din?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan yung lamesa. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko. "Gusto ko pa sana mag-stay dito kaso marami pa akong gagawin sa kumpanya. Babalik na lang ako mamaya, kapag may kailangan ka tawagan mo'ko, okay?" Tumango ako bilang sagot, bigla akong nalungkot na hindi naman dapat. "Ako na ang bahala dito, baka malate ka pa sa kumpanya." Sabi ko sa kanya saka ngumiti. "H'wag kang magpapasok ng kahit na sino dito, h'wag mo ng galawin yang mga yan ako na ang bahala dyan mamaya. Umakyat ka na sa itaas baka mabinat ka pa." Sabi nito sa akin, napanguso naman ako. "Kukuha lang ako ng beef steak kakainin ko sa itaas habang nanonood." Kinuha ko yung mangkok at sumakdok na doon sa kawali. Habang siya inaayos na niya ang kanyang sarili. Napangiti ako bago siya nilapit at niyakap mula sa kanyang likuran. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin." Halos pabulong kong sabi sa kanya, hinawakan niya yung kamay ko at humarap siya sa akin. "Gagawin ko ang lahat basta para sayo, h'wag kang magpapakapagod kung maliligo ka yung maligamgam na tubig. See you later." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan sa labi. Agad ko naman yung tinugunan, kahit papano ay nasasabayan ko na siya natuto na akong humalik. "Umakyat ka na sa itaas." Utos niya sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi. "Ingat ka.." Kinuha ko na yung beef steak bago lumakad papuntang hagdan. Ngumiti muna ako sa kanya bago tuluyang umakyat. Napasimangot na lang ako nang makapasok na ko dito sa aking kwarto. Namimiss ko na agad siya bakit ganito, ginayuma ba ako ni Ramsey ayoko siyang umalis kanina pero may responsibilidad siyang dapat gawin. Ayoko namang maging selfish, dahil na nga sa akin naabala siya kahapon. Nanood na lang ako ng tv habang kumakain ng niluto niyang beef steak. Ang sarap talaga nito, kakaiba sa mga ino-order namin noon na Beef steak nanunuot pa rin yung lasa niyang beef meat. Nilipat ko sa ibang chanel dahil tapos na ang aking pinapanood. Nang wala na akong mahanap na maganda ay pinatay ko na lang yung tv. Napatingin ako sa aking cellphone, dahil tumunog ito may nag-text si Ramsey. Agad kong binasa nakangiti pa ako, dahil ilang oras palang kaming magkahiwalay nag-text na agad. Pero nung nabasa ko yung text niya nawala ang aking ngiti sa labi. Hindi daw siya matutuloy mamaya, dahil May business meeting sila at gabi na matatapos. Bigla akong nalungkot, akala ko pa naman aarrgghh kaya ayokong umaasa eh. Muli siyang nag-text binasa ko naman agad. Aine, babawi ako sa susunod pupunta dyan yung sekretarya ko mamaya kunin mo yung mga ibibigay niya sayo. Ano naman kaya yung ibibigay niya? Ibinato ko nalang sa kama yung cellphone at tumingin sa kisame. Ilang araw pa lang kaming magkakilala pero parang ang dami ng nangyari. Tapos hito ako, parang tangang nasasaktan baka nga may nararamdaman na ako para sa kanya. Hindi naman siya mahirap mahalin, kasi nakikita ko namang kung paano niya ako alagaan, pero ang sabi nila sa umpisa lang daw yon. Kapag tumatagal na nag-iiba na yung ugali yun kasi ang naririnig ko kila Daveda. Sa umpisa lang magaling ang mga lalaki, lalo na kapag nakuha na nila yung gusto nilang makuha. Aarrgh ano ba tong iniisip ko, siguro naman iba siya sa mga lalaking yon. Kung ganun nga si Ramsey, umpisa lang talo na ako? Isusugal ko pa ba 'tong aking nararamdaman para sa kanya? Mukha naman siyang seryoso arrgghh bahala na nga nakakainis binabaliw mo ako Ramsey! ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD