Chapter 1

2151 Words
Zhianna Gabrielle Greeze Ahn Malakas na sigawan at hiyawan ang narinig ko. Some of my classmates were pointing at me while shouting something that I could not understand. Napakunot na lang ako ng noo, until I realized that I was in the middle of the field. Saktong pagpihit ko patalikod ay isang malaking bola ang mabilis na lumilipad patungo sa akin. Parang nag-slow motion ang lahat at nabingi ako ng ilang segundo. Huli na ang lahat para umilag, the ball hit my face. F*cking gracious! My poor face! I am the face of this school for pete's sake and dapat ay hindi ako magkaroon ng kahit na anumang sugat o galos man lang sa kahit na anong parte ng katawan ko! Marahan kong binuksan ang mga mata ko pero mabilis ko rin itong naipikit dahil sa pagkirot ng ulo ko at pagkahilo na rin. Hindi ko kayang isipin na nabasag ang napakaganda kong mukha. "M-miss." Kung sinuman ang demonyong sumipa ng bola ay hinding-hindi ko ito mapapatawad. Pagbabayaran niya ang lahat! "Miss Ahn." Someone tapped my shoulder. I groaned in annoyance! I don’t want to open my eyes and see my swollen face. Naiiyak ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kapwa ko estudyante, for sure Izabelle is celebrating now. 6 years kung iningatan ang katawan ko at 6 years na ako ang nangungunang pinakamaganda sa buong university, subalit dito lang pala magtatapos ang lahat. I don't want to cry, para sa mahihinang tao lang ang pag-iyak. I'm strong! I'm f*cking strong! Inis kong binuksan ang mga mata ko, bumungad sa akin ang mga asul na mga mata nito na parang nalulunod ako sa gitna ng karagatan. Uminit ang magkabilaan kong pisngi na umabot pa ito hanggang sa batok ko, d*mn! Halos magiba rin ang rib cage ko dahil gustong kumawala ng puso ko sa loob ng katawan ko. Kalma puso, si Sir lang 'yan! Ang pinakapoging professor ng buhay mo—kalma! "Based on your reaction I know you feel fine now," walang bahid na emosyon na saad nito. Ngumiti ako ng napakatamis na kahit masakit ang pisngi ko ay pinilit ko pa rin. "Of course I'm okay now, nasilayan ko kasi ang napakaguwapo mong mukha, Sir." I giggled. Wala pa rin itong reaksyon at hindi na ako nito sinulyapan pa. Psh, hindi man lang kinilig. Bakit kaya narito si Da—Proffesor Mathias! Ibig ba nitong sabihin ay nag-aalala ito sa akin? "Zhig! Where are you?!" Napahinto ito sa pagtakbo at napaayos ng tayo nang makita niya si Sir na tuwid na nakatayo habang masama ang tingin sa kaibigan ko. "First Warning, Mister Esteban! " he said, at kaagad na itong lumabas na walang pasabi. Humingi naman ng paumanhin si Jexxe. Bawal kasi tumakbo kapag nasa loob ka ng clinic o hospital na ata ito. Ang clinic kasi sa loob ng school namin ay parang kasing laki na ng hospital. Meron din ditong emergency room, operating room, at patient room. Nasa 20 room plus ang meron ito at hindi pa kasama ang iba pang kuwarto. Rito rin pumapasok ang mga may kursong nursing at mga doctor. Isa ito sa nagagandahan ko sa University na ito kasi hindi na mahihirapan ang mga future nurse at future doctor kasi lahat nandito na. "Are you okay? May masakit ba sa katawan mo? Kawawa naman ang baby namin," alalang-alala na anito. He gently cupped my face kaya mabilis ko itong tinapik. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha ko kung kaya'y hindi pa ako nagfre-freak out. But theres something in my nose, bandage ata ang nakalagay and it means napuruhan nga talaga ang mukha ko. Lalo na't pakiramdam ko ay namamaga ang ilalim ng mata ko, lalo na ang pisngi ko. Napabuntong-hininga na lamang ako, sana ay hindi ako bumaba sa top 10, dahil mas bu-buwisitin ako lalo ng bruhildang Izabelle na 'yon! I can’t allow Izabelle become the most beautiful lady here in my university! Never! Napakapa ako sa cellphone ko sa loob ng palda ko nang mag-vibrate ito. Nang mabuksan ko ito ay kaagad na bumungad sa akin ang mensahe galing sa head ng University. Sa una ay nagkaramble-ramble pa ang mukha ng mga iba't-ibang babae na nag-aaral dito sa loob ng University, hanggang sa huminto sa mukha ko at lumabas ang number kung pang-ilang puwesto ako. 20, napunta kaagad ako sa Top 20! Nangingitngit ang mga ngipin ko sa inis at galit, parang gusto kong pumatay ng langgam ngayon! "Okay lang 'yan, makakabawi ka pa rin naman, gagaling din naman 'yang pasa at sugat sa mukha mo. Mayroong pampahid sa bahay si Mommy para hindi magkaroon ng peklat ang mukha mo, ihahatid ko mamayang gabi sa bahay niyo. Sigurado rin ako na mag-aalala si Lola Paz kapag nakita 'yang mga sugat at pasa sa mukha mo," he said. Ipapaliwanag ko na lang kay Lola ang nangyari. "Saka 6 years ka na rin namang naging mukha ng University na ito kaya ibigay mo na muna sa iba. Sigurado ako na makalipas ang isang linggo o dalawa, babalik din sa'yo ang korona." Pagpapagaan pa nito sa loob ko. Masama ko siyang tinitigan. "Ayos lang naman sa akin na hindi na ako ang number 1, pero ang hindi ko lang matanggap ay si Izabelle Hernandez pa ang siyang nanguna! That bruha! Ang saya siguro no'n." Iiyak na sana ako pero napagtanto kong masyado akong maganda para umiyak. "Siya nga pala nabalitaan ko na si Professor Mathias Enrique Kristiansen, ang sumipa sa bola na tumama riyan sa mukha mo. At ito pa, si Prof. Mathias ang nagbuhat sa'yo papunta rito, kalat na kalat na rin sa buong Socmed ang mga larawan niyo. Nang papunta kami rito ay hinarang kaagad kami ng mga University Paparazzi, mabuti na lang at naharangan kaagad nila Beau, Mellisa at Noelle ang mga 'yon, pagkatapos ay iniligaw nila ang mga baliw na Paparazzi na iyon," mabilis na sabi ni Jexxe. Ang lahat ng inis, galit at himutok ko sa buhay ay biglang nawala nang marinig ko ang sinabi ng kaibigan ko. Ang puso kong baliw ay mas lalong nabaliw, pakiramdam ko ay—pakiramdam ko ay hindi ako makahinga... "Ahh! Wahh! Oh my god! Oh God! Thank you Lord! Hindi ako makahinga! Gosh! Kahit sa buong katawan ko pa tumama ang bola basta si Daddee Mathias ang sumipa, sasaluhin ko ng buong-buo at bonggang-bongga! Oh my Godness, binuhat ako ni Daddee. Hinding-hindi ako maliligo ng 2 weeks!" Kaya pala kanina ko pa naaamoy ang pabango ni Daddee Mathias. Para na akong inasinan na uod dahil sa sobrang likot ko, hindi niyo rin naman ako masisisi dahil sa sobrang kinikilig ako. "Shut-up! Baliw na baliw ka talaga sa lalaking parang poste na 'yon na palaging galit sa sanlibutan," he said habang iniikutan ako nito ng mata, pero wala akong paki sa say niya kasi binuhat lang naman ako ni Daddee Mathias. Ackk! "Naiiyak ako!" Maarte kong pinaypayan ang mga mata ko. "You're so annoying!" Sinamaan ko ng tingin si Jexxe. Ilang sandali pa ay iniwan na ako ni Jexxe kasi papasok pa raw siya sa sunod na subject, hindi niya pa sana ako iiwan dahil sasamahan niya na lang daw ako pero pinilit ko itong pumasok na lang. Ayaw ko siyang makasama kasi nakakairita ang buhok niyang kulay green, mukha siyang sisiw na kinulayan. Ilang beses na iyon nasita dahil sa buhok niya pero hindi naman siya nakikinig, saka wala naman silang magagawa lalo na at isa ang mother ni Jexxe sa may malaking share rito sa University. Pa-scroll scroll lang ako sa website ng school na puros tsismis lang naman ang laman, at syempre tsismis patungkol sa akin ang karamihan sa website na 'yon. Lahat ng nakita kong picture ay sinave ko iyon sa phone ko. I can't wait to get home kasi ipi-print ko iyon at isasama sa mga collections ko. Napataas naman ang kilay ko nang mabasa ko ang isang news na sinulat ng kaibigan ni Professor Mathias. "I'm glad you're okay now, Miss Ahn." Napahinto ako sa mahihina kong pagtili nang magsalita ang nurse at nginitian ako. Inirapan ko lang ito at humiga na lang ulit ako. "Hindi na ako ayos kasi nandito ka," ismid kong saad na ikinatawa nito. Lumapit ito sa akin at umupo sa kabilang kama. Mabilis ko itong nilingon at sinamaan ng tingin. Siya ang dahilan kung bakit ako pumunta sa field na 'yon, kasi nililigawan niya si Miss Perez at ako pa talaga ang ginawa nilang utusang dalawa! Pero kung hindi ako pumunta roon ay hindi ako matatamaan ng bola at bubuhatin ni Daddee Mathias, sayang lang talaga, dapat ay gising ako no'ng binuhat ako ni Daddee Mathias. Ano kaya ang pakiramdam na mabuhat ni Daddee? Ang sarap siguro magpakulong sa mga bisig niya. "Aray naman! The h*ll, Nurse pangit! Masakit na nga ang pisngi at ilong ko dadagdagan mo pa! Suntukin kita riyan, makita mo!" Naiiyak kong sigaw at hinimas ng marahan ang parte ng mukha na natamaan ng bitbit nitong chart. "Sorry, just stop daydreaming, nakakatakot ka. Lalo na 'yong ngisi mo na parang kakainin mo na ng buhay si Proffesor Mathias." Inismiran ko ito at hinampas ng unan. He is my friend, hindi siya teacher or nurse sa school na ito, student lang siya just like me pero nursing ang kurso na kinuha niya. And ang mga fourth year na nurse and Doctor ay sila ang nagche-check up sa amin every month para raw mapanatili ang healthy body ng mga students. Isa pa, nagkakaroon din ang mga nurse at Doctor student dito sa University ng salary kahit hindi pa sila professional. Isa pa, sa maniwala man kayo o sa hindi, ang mga matatalino sa University na ito ay ang daming benefits na nakukuha. Kapag napasali ka sa 10 Gifted Student ay naiiba ang uniform niyo sa lahat ng student dito sa University, at sampu lang kayo sa isang room. 'Yong room niyo may sariling aircon, refrigerator, tapos may magarang sofa at every year dalawang beses silang nagta-travel around the world kasama si Daddee Mathias. Tapos may sarili ring chief, kainggit! Hindi pa ro'n natatapos kasi special din ang dorm nila, tapos tag-iisa pa sila ng kuwarto, take note, 'yong room nila ay parang penthouse. Kaloka ang may-ari ng University na ito. I wonder kung may kinikita pa sila kasi parang binabalik din nila sa amin ng doble ang binabayad namin sa kanila. Pero hindi madali makapasok sa Gifted Students, okay? Para mong tinutulak ang sarili mo sa bangin. Kailangan mong magsunog ng kilay pati na rin buhok mo sa ulo o kahit 'yong buhok mo pa sa ibaba kailangan mo na rin sunugin. Kaya wala na akong balak na abutin ang Gifted na 'yon kasi hanggang ganda lang talaga ang kaya kong i-ambag sa University na ito at ang pagsasayaw ko. "Bahala ka na nga riyan, tulala ka na naman!" Padabog na tumayo at nagmartsa paalis si Gilbert. Aalis na rin ako kasi baka maabutan ako ng masungit na head doctor dito at baka ano na naman ang sasabihin sa akin. Papasok din kasi ako sa klase ni Daddee Mathias, noh. Hindi ako puwedeng umabsent sa klase niya kasi sayang ang isang araw na pamasahe ko tapos hindi ko pa makikita ang Daddee ko. Saktong pagkadating ko sa lobby ay hinarang kaagad ako ng grupo ni Izabelle. "Nakita rin kita sa wakas, hindi mo ba ako babatiin man lang?" Napatawa ako ng pagak sa sinabi nito. Tumaas ang kanang kilay ko rito. "Bakit naman kita babatiin? Alam ko naman na isang linggo lang naman 'yang korona at pagkatapos ng isang linggo..." Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. "babalik din naman ang korona sa ulo ko. Saka, ingat ka baka dalawa o isang araw lang ang rank mo, kaya kung ako sa'yo ay magpakasaya ka na, huwag kang ma-stress sa akin kasi baka magka-wrinkles ang mukha mo." Ngumisi ako sa mga ito at itinulak ng mahina si Izabelle gamit ang hintuturo ko pagkatapos ay nilagpasan ko na ang mga ito. Sa ngayon ay wala na akong pake sa ranked ko bilang isa sa pinakamagandang mukha ng school na ito. Tama nga si Jexxe, six years na ako ang Queen ng school kaya tama naman na ibigay ko naman sa iba ang korona. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang hawakan ng pangit na nilalang ang kamay ko, these freak! Tumabingi ang mukha ko nang dumapo ang maruming kamay ni Izabelle sa mukha ko. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdaloy ng dugo sa ilong ko. Napakuyom ako ng kamao at ilang segundong hindi nakagalaw. Pinahid ko ang dugo na umagos sa ilong ko at nakakamatay ko silang tinitigang lahat. Napasinghap silang lahat nang humakbang ako ng isang beses. Matakot kayo mga bruha. "Izabelle!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan nito nang mawalan ito ng malay matapos kong suntukin ang mukha nito. "Psh, mahina." Sabay hawi ko sa buhok ko. Ang sarap pala manuntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD