And since na si Hera lang ang hindi bago saming tatlo ay siya na ang nagturo sa amin ng daan papuntang canteen.
~CANTEEN
Halos mapanganga ako dahil pinto pa lang ay batid kong mayayaman lang ang makakapag-aral dito. Alam kong napakalawak niyon sa loob.
"Woah" mamangha mangha ding usal ni Aljen
"So, this is our canteen syug" sabi ni Hera
Nanguna na siyang maglakad papuntang pinto at parang may iniswipe sa parang machine dahilan upang bumukas ang glass door ngunit hindi makikita ang loob niyon maliban nalang kung papasok ka. Pumasok na si Hera sa loob.
"I-swipe niyo lang ang ID niyo para makapasok kayo. Hihintayin ko kayo dito sa loob." Maya maya pa'y dagdag niya.
Kinuha ni Aljen ang ID niya at ini-swipe sa machine at nakapasok na rin. Dali dali ko namang kinuha yung akin at ginaya ang ginawa nilang dalawa at muling namangha nang bumukas iyon.
Pagkapasok ko palang ay rinig na rinig ko na ang mga bulungan ng mga estudyante habang nasa akin ang kanilang mga mata.
Eh? Anong problema ng mga to? Kung makatingin sila parang diring diri ah?! Psh!
'sis! That girl! Siya yung bumangga kanina sa bebe ko!'
'Is that true? Kalat na kalat yan ngayon sa campus! Nakabangga niya raw yung dalawang hearthrob?! Huhu ang swerte nya!'
'No, she's going to regret what she did. At hndi lang daw ang dalawa yung nakabangga niya! May nakakita rin daw sa kanya na nakabangga yung pinaka terror na lecturer dito sa campus!'
'oh no, now she's dead'
Psh! Ang ooa! Kairita!
May naririnig pa akong mga nagbubulungan sa paligid ngunit ni isa don ay hindi ko tinapunan ng tingin. Nagtungo ako sa pwesto kung saan nakaupo na ang mga kasama ko.
"Ba't ang tagal mo?" Agad na tanong ni Aljen ngunit nginitian ko lang siya bago maupo
"So? Order na tayo ng foods?" Mayamaya'y sabat ni Hera
"Nah ako nalang ang mag-oorder para sa ating tatlo, treat ko!" Nakangiting sabi ni Aljen at naglakad na papapunta kung saan inoorder ang mga pagkain.
Pagbaling ko kay Hera ay tawang tawa ito at kung ano ang dahilan? Ay hindi ko alam.
"Oh bat natatawa ka?" Natatawa na ring sabi ko
"Pagbalik ni Aljen malalaman mo kung bat' ako natatawa" sabi pa niya habang natatawa
"Eh?" Tanging naisagot ko
"Nvm BWAHAHAHA! Btw you're so cool kanina alam mo ba yon? Halos lahat kami napanganga sa tinrato mo kay miss! At hindi lang yun! Ang talino mo pa. At halos tumulo ang laway ko sa sagot mo kanina sa huling tanong ni miss. Saan mo natunan yun?" Mahabang aniya
"Advance reading. Ganon kasimple. Pati yung lesson ay saulo ko na" sabi ko na may halo ng konting konting konting kayabangan.
Nababasa ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang bahagyang nakaawang ang kaniyang mga lab
"Ganon ka katalino?!" Biglang sigaw niya na animo'y gulat na gulat sa sinabi ko
"Siguro hehe"
"Alam mo bang dalawa lang kayo ang nakagawa ng ganon kay miss?"
"Eh? sino yong isa?"
"Yung campus Hearthrob"
"Sino naman yon?"
"Hindi ko din alam kung ano ang pangalan niya eh"
"Eh? Sabi mo campus Hearthrob tapos di mo kilala?"
"Wala ni isa sa amin dito ang nakakaalam ng pangalan niya maliban sa mga kaibigan at pamilya niya. Sabi daw nila pati yung mga lect daw ay hindi alam kung ano ang real name niya ang alam lang daw nila ay iyong apilyedo niya. Utos daw kasi iyon ng Dean na huwag tanongin yung pangalan ng kahit na sino mang pamilya niya except nalang kung sila mismo ang magpakilala sayo." Mahabang kwento ni Hera
"Meganon?"
"Oo! Unique diba?
"Psh"
"Alam mo din bang halos lahat ng naging girlfriend niya daw ay apelyedo lang kilala sa kanya? Ang astig diba?"
"Eh? Anong astig don?"
"Tsh! Ang astig kaya yung feeling na sikat ka pero walang may nakakaalam ng real name mo?"
"Ah basta hindi ako interesado"
Ewan ko ba kung bakit may kung ano sa sarili ko na naiinis o nakikilabutan o kung ano sa mga kinekwento ni Hera. Sino ba ang lalaking yun? Apaka misteryuso naman ata non? Meron bang ganon? Sikat daw tapos walang may nakakaalam ng name niya? Tao ba yon? Psh!
Nagsunod sunod ang mga tanong na pumapasok sa aking isipan tungkol sa sinabi kanina ni Hera. Naputol ang pag.iisip ko ng dumating si Aljen dala dala ang mga inorder niya samin. Hindi maipinta ang mukha nito nang umupo siya. Kumunot naman ang noo ko.
"Oh? Anyare?" Tanong ko
Si Hera naman ay panay ang tawa sa kaniya.
"Ilang libo ba yung nagastos mo dito?" Tatawa tawang sabi ni Hera.
"Ikaw ah! Nakakainis ka huhu" parang batang aniya pa
"Bakit ako?" Agad na protesta ni Hera
"Teka teka bakit? Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ko
Nagkekwentuhan kami ng biglang umingay ang paligid.