CHAPTER 6

1320 Words
Akward Yan ang una kong naramdaman habang hindi maka tingin sa kaniya ngayon na nakatitig lang sakin, tila binabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ko. "I'm Stephen Cohen" rinig kong sabi niya. Oh f**k mas naging akward tuloy. Nauna pa yung kababalaghan na ginawa namin kesa sa pagpapakilala niya ng sarili niya Cohen? Ibig sabihin siya yung tinutukoy ng professor namin kanina?   "Ummm." Hindi ko maapuhap kung ano ang dapat kong sabihin. Should it be 'Nice to meet you? or it was nice f*****g you?' "I can read your mind you know?" nakangising sabi niya at hinalikan ang noo ko.  "Huh?" Sinubukan kong bumangon pero agad ding napahiga ulit nang maramdaman ko ang sakit mula sa ilalim ko. "Sorry" malambing na sabi niya at tumabi sakin Nilingon ko naman siya at binigyan ng tinging 'uy may explain ka' "I'm a vampire" panimula niya, Deretso na sa punto at walang paliko liko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaction sa sinabi niya, Hindi din pwedeng i deny ng isip ko dahil saksi at biktima ako.  Napahawak ako sa nasaktan kong leeg "Does it still hurts?" sabi niya at sinubukan akong abutin, mabilis naman akong umiwas sa hawak niya dahilan para maiwan sa ere ang kamay niya. "Sorry" mahinang sambit niya at binaba ang kamay. Nakaramdam naman ako ng lungkot, hindi ko alam bakit.  "Explain" Hindi naman ako natatakot sakaniya, hindi ko maipaliwanag bakit pero kahit na sinabi niya kung ano siya ay hindi ko mahanap sa sarili ko na matakot sa kaniya, kahit na kinagat niya ang leeg ko kanina. Pero bakit nung siya ay hindi ako nasaktan? bagkus ay nasarapan pa ako.  Naramdaman ko ang pag akytan ng dugo ko sa mukha at pag init nito kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakalimutan ko. Nababasa niya pala ang iniisip ko gaya ng sinabi niya. "That vampire who attacked you was a 3rd class vampire" Agad na bumalik ang tingin ko sakaniya nang marinig ang sinabi niya "3rd class vampire?" meron pala nun? akala ko lahat ng bampira pare-pareho lang "Yes. There are 3 types of vampires. First are full blood vampires, These type of vampires are royal blood vampire." Tumigil siya. Nakatingin lang rin ako sa kaniya kaya nagpatuloy siya "2nd are half bloods. These  vampires are the fruit of a vampire and human's. But they don't exist now because vampires are prohibited to make contact with humans. And the 3rd class are the lowest class, they are blood sucking vampire who leech off to humans, sucking their blood till they die. They are previously humans but converted to vampires when bitten" Napaisip ako sa sinabi niya. Kung ang 3rd class of vampires ay naging ganoon dahil kinagat ng bampira ibig sabihin?  "Yes, you're right. Your body was in the process of transforming into a 3rd class vampire a while ago, that's why i have to suck the venom out of you" Pakiramdam ko ay nawalan ng tinik ang leeg ko at bigat ang balikat ko sa narinig niya. Pero kung kelangan lang naman pala niyang sipsipin yun eh bakit kailangan pa ng. ng. "Because it's part of the process"  Kunot noong tiningnan ko siya "Process?"  "Of making you my mate" Ilang beses ko nang narinig na sabihin niya ang katagang iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga alam kung ano ang ibig sabihin niyon. "Ano ibig sabihin niyon" takang tanong ko. "All vampires and wolves are granted a mate to spend with them. It's their other half" Tininganan niya ako sa mata. Punong puno iyon ng emosyon na hindi ko ma pangalanan. Hindi ko maalis o maibaba ang tingin ko dahil parang na hiptosimo ako. Napakaganda talag ng mga mata niya  "You are my mate Maria Clarita Santos, my other half. My strength as well as my weakness" Pabulong ang huling katagang sinabi niya kaya hindi ko narinig "Ano iyon?" Walang emosyong inalis niya ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko.  "Nothing. You have to rest" simpleng sabi niya at giniya ako pahiga.  Nagpaubaya naman ako at humiga na nang may bigla akong maalala "Oh s**t si mama!" agad akong napabalikwas ng bangon. Paniguradong baka nagpatawag na iyon ng pulis. Naalala ko noon nung high school ako, hindi lang ako nakauwi ng tama sa oras dahil may tinapos kaming emergency sa school tapos hindi rin ako nakapag txt dahil lowbatt na ang cellphone ko at hindi ko pa saulado ang number niya. Gulat na gulat ako ng pagka-uwi ko ng bahay ay may mga pulis nang naka park sa labas. Syempre palo inabot ko dahil napahiya daw siya.  Oh sht. Ang laki ko naman na siguro para paluin pa ni mama ngayon, tsaka mukhang wala namang mga pulis na accessible sa ganitong lugar, tanod siguro pwede pa pero sa naranasan ko kanina mukhang pati iyon ay malabo.  "Don't worry I texted her" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng katabi ko "Papano?" "Using your phone" kibit balikat na sagot niya at may bahid ng 'obviously' sa itsura. Oo ngaman bakit hindi ko naisip yun. Tsaka buhay pa pala cellphone ko, Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na naglalagay ng password sa phone ko. Bumalik na ako sa pagkakahiga  at sinalubong lang tinging pinupukol niya sakin. Ang dami kong tanong, pero hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Pakiramdam ko ay ang dami kong inisiip pero nothing in particular naman kapag iisipin kona kung ano talaga iyon. May gusto rin akong sabihin sakaniya pero bubukas lang ang bibig ko at sasarado din uli dahil hindi ko talaga maapuhap ang tamang salita na sasabihin.  "Papano na tayo?" Yan ang salitang naisip kong sabihin sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Oo nga naman, papano na kami ngayon? bago palang ako sa lugar na ito at hindi ko alam kung papano ang takbo ng pamumuhay ng mga tao dito, pero sigurado ako na kabilang na sa takbo niyon ay ang mga bampira na ngayon kolang nalaman na totoo pala.  Wala naman akong interest sa mga bampira kaya hindi ko inabalang alamin ang tungkol sakanila noon, pero ngayon na kaharap kona ang isa ay parang gusto kong alamin at kilalanin sila, lalaong lalo na Siya. "Wala" napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya.  "Anong wala?" takang tanong ko.  "You live your life normally tomorrow as if tonight never happened" Pakiramdam ko ay parang nabingi ako sa sinabi niya. Pagkatapos ng nangyari ngayon ay yun ang gusto niyang mangyari?  Pakiramdam ko ay parang tinutusok ng paulit ulit ang puso ko, parang gusto kong umiyak pero hindi ko alam bakit. At hindi dapat dahil kaka-kilala ko palamang ng lalaking ito. Hindi pwede.  Ang p********e ko, ang tanging iniingatan ko. Sobra sobra ang pangamba at panghihinayang na nararamdaman ko sa sarili ko ngayon. Sobrang malas ko naman yata ngayong gabi.  Disappointed. Yun ang nararamdaman ko sa sarili ko. Pero kasalanan ko ba? oh dahil lang sa sitwasyon? pero ginusto ko naman?  Agad na akong bumangon bago pa ako mabaliw kakaisip "Where are you going?" tanong niya "Uuwi" maikling sagot ko at tinago gamit ang kumot ang dibdib kong walang takip.  "If you want to encounter another vampire then feel free to go" Agad akong napatigil at napaisip. Oo nga naman, tama na ang kamalasan ko ngayong gabi. Pero mas nalungkot ako sa sinabi niya. Kung gusto ko bang umalis ay hindi niya ako pipigilan? Kung aalis ba ako ay hindi niya ako proprotektahan? Puno ng pangambang humiga na ulit ako patalikod sakaniya. Naramdaman ko naman ang pag uyog ng kama sa gilid ko, Kahit naka talikod ako ay ramdam ko ang init ng titig niya sakin. Ramdam ko din ang init ng pag hinga niya na tumatama sa taas ng ulo ko, ibig sabihin ay malapit lang siya.  Pinikit ko nalamang ang sarili ko at piniling hindi na isipin pa ang tumatakbo sa isip ko dahil ayokong malaman niya kung ano ang iniisip ko, Pero isa lang ang sigurado ako.  Ikaw ang pinaka malaking kasalanan ko Stephen Cohen. -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD