"Clarita!" Bigla akong napamulat sa sakit ng likuran ko mula sa pagkakabagsak sa kama. Natagpuan ko si mama na worried na nakatingin sakin habang may paghingi ng paumanhin sa kaniyang mga mata. "Mama!" hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na niyakap ang mama at napaiyak. "Panaginip lang pala" pakiramdam ko ay nawalan ako ng tinik sa dibdib. Kahit panaginip lang ay pakiramdam ko sobrang totoo niyon. Iyon na siguro ang pinaka hindi ko gustong panaginip, lalong lalo na at mahal ko pa sa buhay. "shhh, andito si mama" parang gumaan naman ang pakiramdam ko habang malambing na hinahagod ni mama ang likod ko at hinigpitan ang yakap sakin. Hinayaan ko nalamang ang sarili kong iiyak ang lahat ng emosyong namuo sa dibdib ko. Aside sa takot ko sa napanaginipan ko ay palaisipan din sakin kung

