"We're here" mabilis ang naging reflex kong umiwas nang akmang hahawakan ni Stephen ang braso ko. Mukha naman siyang nagulat pero agad ding umiwas ng tingin at nauna nang maglakad palabas. I honestly feel bad dahil sa naging reaction ko, pero natakot talaga ako sa nangyari sa kaniya kanina. Buong byahe namin ay tense ang buong katawan ko dahil binabantayan ko ang bawat galaw niya. Tanggap ko naman na bampira si Stephen, pero hindi ko lang talaga in-expect na ganoon ang magigig encounter ko. Napabuntong hininga nalamang ako at napagdesisyunan naring tumayo at lumabas na. Agad naman akong sinulubong ng itim na saksakyang nakaparada sa labas, sa tabi niyon ay may lalaking nakaitim din na nakatayo. "Good evening madam" bati nito sakin at nag bow pa. Nailang naman ako kaya nag bow din ako

