Linggo ngayon.
Dahil nakatira ako dito sa bahay nila ate Melissa, isa sa mga pinsan ko kaya kumain muna kami kasama ang mga pamangkin ko bago ako nagpaalam at magsimba.
Isa kasi akong Born Again at sila ate naman ay Catholic. Nagdress ako at umalis na.
Pag-uwi dumaan muna ako ng SM para kumain sa KFC, favourite ko kasi ang chicken burger nila kaya doon talaga ako kumakain nang lunch every Sunday.
Habang kumakain, tinawagan ko na rin si Nanay na nasa downstream at kinumusta siya, sa awa ng Diyos ok naman daw siya at may allowance pa naman daw siya.
Sinabi ko kasing dito na lang siya tumira sa Tuguegarao at kumuha ako ng sarili naming unit pero ayaw niya. Sanay na daw siya sa baryo namin kaya hinahayaan ko na lang kung saan siya masaya. Madalas kapag tumatawag ako, sinasabihan niya akong mag-asawa na, pero boyfriend nga wala, asawa pa kaya.
Hay buhay, hanggang kailan naman kaya ako makakapag-asawa? Bigla na lang lumitaw si Mr. D sa isip ko. Teka maalala ko lang, akala ko green eyes siya pero nung lumabas na siya ulit galing banyo bakit black eyes na ulit nung nasa hotel kami?, hay siguro hallucination ko lang yun. Erase! Kaya nga nandito ako sa SM para makalimutan siya.
A week passed.
Busy ako sa work dahil end of the month, maraming ginagawa additional na rin ang sahod ng mga empleyado. Nang biglang may umupo sa visitors chair, dahil curious ako tinignan ko, what the – si Mr. D pala nakatingin sa akin,
yes sir? Do you need anything?, takang tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin, nagkibit balikat na lang ako at itinuloy ang ginagawa ko.
Dumating si Jeff kasi break time naman na.
Manager! tara na po sa caffeteria, sabi niya, pero umangal ako kasi maraming deadlines na kailangang tapusin. Manager my post ako tinag(tagged) ko sayo sa f*******:, nakita mo? Tanong niya, nagulat ako kasi wala na rin akong time magfacebook.
Ano yun? Maya ko na lang tignan Jeff sa bahay na, busy pa ako ha, sabi ko na lang.
Okay po manager, basta po kumain na po kayo ha, sabi niya.
Sige sabi ko nalang at naghanda na rin para kumain. Pagtingin ko kay Mr. D ayun nakatingin nang masama kay Jeff, bahala sila basta ako kakain na.
Pag-uwi ko nang hapon, nakita ko yung notifications sa f*******: ko, hala andami, si Jeff naglagay pala nang bulaklak sa table ko kanina sabay picture sa akin hindi ko naman namalayan, with a caption “#myWorkaholicRush sipag talaga! Kaya love ko yan.”
At andaming comments, mga cousins at friends ko, sinasabi sagutin ko na raw.
Your Devil ang pangalan nagcomment nang
F*ck! I’m Jealous!?.
Wala naman siyang picture kaya hindi ko mamukhaan.
Hala sino kaya yan. Hindi ko naman kilala kaya hinayaan ko na lang.
Nagreply ako sa iba na kakilala ako at sinabing pinagtripan lang naman ako ng katrabaho ko.
Kinabukasan pumasok ako sa office, may isang bouquet ng fresh flowers sa lamesa ko.
White roses tapos may tatlong red roses sa gitna.
Parang nagshape ng puso naman ang mga mata ko sa tuwa.
Sa totoo lang gustong gusto ko ang white rose, at isa iyon sa mga sign noon na hiningi ko kay God, na kapag makapag-asawa ako, yung unang tao na makapagbibigay sa akin nang white rose ang siyang mapapangasawa ko. Pero teka sino kaya ang nagbigay nito? I read the small card na nakaipit.
“for the loveliest and cutest girl I’ve ever met”
- Y.D.❤️
Teka sino si Y.D.? sayang hindi ko kilala, malalaman ko na sana kung siya ang Mr. right guy ko.
Di ba God included na rin tong flowers na to? Kahit may kasamang red roses, first time kasing may magbigay ng white roses, si Jeff kapag nagbibigay isa lang at red pa. Kaya hindi ko alam kung sino si Y.D.
Naglagay ako nang isang white rose sa isang baso na may tubig para hindi malanta, I cut the stem para hindi matumba, basta isa lang ang gusto kong ilagay and the rest iuuwi ko mamayang hapon.
Back to work na nga lang ako.
Sakto namang dumating na si Mr. D, maaliwalas ang mukha niya ngayon. I saw him with a little smile kaya I greet him goodmorning.
Himala nag- good morning too din siya.
Nahuli ko siyang nakatitig sa flower na nasa top ng table ko pero nakakunot ang noo nya. Bakit kaya?
Hay bahala siya sa buhay niya.
After 2 hours may umupo na naman sa visitors chair ko, tinignan ko si Mr. D dala ang laptop niya.
Yes sir?, I asked.
Nothing, the reception is good here on your table, sabi niya kaya hinayaan ko na lang.
Pero ano daw? Maganda ang signal sa table ko eh sa iisang wifi lang kami naka-connect! Adik na yata tong si Devil eh.
Bahala siya sa buhay niya.
Nagbeep na ang alarm ng phone ko, ibig sabihin break time na, madalas kong itimer at pinili ung isang tunog lang na beep ang ginagamit kong alarm para hindi eskandaloso mahirap na palayasin pa ako ni Devil sa office na to.
Sir aren’t you going to eat?, its lunch time, I asked.
Nah, I’ll wait for Edward sabi niya kaya tumayo na ako at pumunta na nang cafeteria.
Naks manager sino si Your Devil? Nagtag sa f*******: mo, pumapag-ibig si manager ah, sabi ni Melody, isa sa mga admin. staff ng kumpanya dito sa branch.
Naku hindi ko kilala, bakit anong sabi niya? Macheck nga, sabi ko.
There I saw my photograph, stolen shot, kasama yung white rose. With a caption – what a lucky day! She like the rose I gave her.❤️
Wait what? Siya si Y.D.? ah kaya pala Y.D. Your Devil, pero sino siya?
Ha bahala siya wala akong time sa mga ganyan niya.
Pero teka, may pumasok ba sa office ko?
Si Mr. D lang naman at Butler Edward ang pumasok sa office ah, don’t tell me siya si Mr. D. alangan namang si Butler Edward, duh tatay ko na kaya yun.
Hay, nantritrip na naman ang isang to.
Ayan tuloy andaming notifications sa f*******: ko. Makakain na nga, wala akong pakialam diyan basta gutom na ako.