Araw nang Saturday.
Naglaba ako at naglinis sa kwarto ko.
Namamahinga na ako ng may tumawag sa phone ko. Mr. D ang nakalagay.
Hello sir goodmorning, napatawag po kayo?, Daphne”
Hi my sweettie kitten, goodmorning!
Tingin ka sa f*******: mo may tag ako.
See you on Monday, I love you! Bye! Clyde”
Ganun, pinatay agad?
Ano naman kaya yun?
I check my f*******: account at andami na namang notifications.
Yung picture niya nagmamop, wait! parang bahay namin to ah, at yung isang picture niya kasama niya si Nanay.
Yung caption niya – this is the Devil’s way to court. Not only to the girl that he love the most but also to her nanay. Our inang.❤️
Sa totoo lang napaiyak ako, namiss ko kasi si Nanay, ang sama niya, hindi pa niya sinabi sa akin. Hindi niya ako isinama.
Nakakatampo naman.
Pinusuan ko na lang yung post niya, kasi malaking puntos yung ginawa niya.
Hay magkakalove life na siguro talaga ako. Sincere naman yata siya, sa wakas hindi na ako single soon. Makatulog na nga muna.
Bandang hapon, nang tumunog ang phone ko.
Dahil nagising ako at nakapikit pa kaya hindi ko na tinignan ang caller.
Hello!
Hi babe! I feel like I want to take shower again, bakit ganyan ang boses mo, nang-aakit? Kagigising mo lang ba babe? Tanong niya.
Oo eh, kumusta ang Inang ko? Anong sabi niya? Tanong ko.
Okay naman si Inang, tuwang-tuwa at namasyal daw ako na nobyo mo kahit wala ka. Sinabi ko kasi pagod ka, kaya ako na lang ang mag-isang namasyal sa inyo. Sabi niya kapag may oras daw bibisita daw ako ulit sa inyo. Gwapo daw ako at gusto daw niya ako na mapangasawa mo. Hehe. Clyde”
Bakit inang na ang tawag mo? di ba hindi pa naman kita sinasagot? Tsaka bakit hindi ka nagpaalam? Hindi tuloy ako nakasama sayo, miss na miss ko na nga si Inang eh. Sige na nga, next week uuwi naman ako sa amin. Pero paano mo nalaman ang address namin? Sabagay walang hindi magagawa ng pera.
Pwede bang sumama? Clyde”
Ayaw ko nga! Tsk. tsk. Tsaka bakit ang alam ni Inang nobyo kita?
Naku ikaw talaga Mr. D, umasa na yung nanay ko. Pano pala pag pinagtritripan mo lang ako, eh di kawawa naman si inang gustong-gusto pa naman nun na mag-asawa na ako. Gusto na daw niya kasing magka-apo. Lagot ka talaga sa akin! Pero seryoso, thank you sa pagpunta Clyde. Daphne”
You’re welcome babe! And don’t worry I will not hurt you and inang. Kung gusto mo nga pakasal na tayo eh. Clyde”
Hay naku, pagod lang yan, sige na may gagawin pa ako. Bye sir. Thank you. Daphne”
End call.
Naku kinilig naman ako dun.
Ganito pala ang feelings kapag gusto mo yung manliligaw mo, daig mo pa ang teen-ager sa kilig.
Aaaaaah! tili ko sabay talon ng talon sa kama ko.
Hay nakakabaliw pala ang pag-ibig.