“Magiging ayos lang ba sina Nile? Marami ang mga kalaban na kakalabanin nila.” Ngiting nilingon ni Hale si Samara habang binabagtas nila ang daan kung saan nila makikita si Maric na hinihintay sila. Hindi nila alam kung ano ang madadatnan nilang panganib pag-nakarating sila dun pero kinakalma ni Hale ang sarili upang makapag-isip sya ng ayos. Malaki ang galit nya kay Maric dahil sa lahat ng ginawa nito sa kanila ni Samara, gusto nya itong tapusin agad pag nakita nya na ito pero alam nya na kung hahayaan nya na pangunahan sya ng galit ay si Samara ang mapahamak. Kailangan nya lang maging klamado tulad kun paano sya kumilos bilang isang cartier. “Huwag mo silang alalahanin, mapapalaban sila pero hindi sila basta-basta mapapahamak. Nile is a good fighter and a beast in killing, he doe

