KELAI’S POV Nakakaubos na kami ng tig-dalawang bote ng beer nang biglang tumunog ang cellphone ni Ryan. Nang tingnan niya ito ay nahagip ng mata ko kung sino ang tumatawag sa kaniya. It’s Lany. Napaiwas ako ng tingin dahil may kung anong kumurot sa puso ko. Marahil ay nasasaktan ako para kay Lany dahil baka umaasa pa siyang magkakaayos sila ni Ryan. Gusto kong makonsensya dahil ako ang naging dahilan ng hiwalayan nila. Pero katulad ng sinabi sa akin ni Ryan, matagal nang may lamat ang relasyon nila. At isa pa, si Ella pa rin naman ang pipiliin ni Ryan kaya masasaktan pa rin si Lany kahit na anong gawin niya. Pinatay ni Ryan ang cellphone niya kaya hindi ko na napigilan pa ang magsalita. “Bakit hindi mo sagutin?” deretsong tanong ko. “Kahit naman anong pag-uusap namin, wala nang maaayos

