KELAI'S POV Dumating ako ng Pilipinas na mugto ang mga mata. Sa buong siyam na oras na flight ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Mabuti na lamang na hindi puno ang eroplano kaya wala akong katabi. Mag-isa lang ako sa row kaya malaya akong ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. At ngayon nga ay nakalapag na ang eroplano sa Pilipinas. Mabilis ko namang nakuha ang luggage ko kaya mabilis din akong nakalabas ng airport. Natanaw ko agad si Jaime kaya agad akong lumapit sa kaniya. "Ate." Niyakap ako ng kapatid ko. Inilibot ko naman ang paningin ko at si hindi ko makita si Mama. "Nasaan si Mama?" tanong ko kay Jaime. "Hindi na siya nakasama sa pagsundo sa 'yo. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya," malungkot na sagot naman niya sa akin. "Ganoon ba. Sige tara na," sabi ko na

