KELAI'S POV Ginagamit ka lang niyan babae! Kaya huwag kang masyadong mag-ambisyon! B*tch! Hindi pa rin talaga ako tinatantanan ng mga text na ito kahit hindi ako nagre-reply. Napailing na lang ako. Ibang klase rin pala talaga ang Lany na iyon. Kung gusto niyang balikan siya ni Ryan, si Ryan dapat ang kinukulit niya at hindi ako. Ibinalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa bag ko. Gusto ko na siyang i-block pero ayaw kong gawin. Nacu-curious din kasi ako sa mga pwede pa niyang masabi sa akin. Ewan. Gusto ko lang mabasa ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin kahit naiinis ako. Nababaliw na nga yata ako. Hindi ko na maintindihan kung ano bang gusto kong gawin. Nagulat ako nang biglang tumunog ang telepono ng opisina. Sa lalim kasi ng iniisip ko ay natutulala na lang ako sa monitpr ng

