I waited Rohan patiently. Marami akong iniisip na purong mga negatibo na hindi ko na gustuhan kong mangyayari man. Nang makabalik siya bitbit ang tuwalya. Naglahad siya ng kamay para tulungan akong maka-ahon sa tubig. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Kita ko ang guilty sa mukha niya dahil sa namumugto kong mga mata ngayon. Akala ko talaga katapusan ko na rin kanina dahil sa pag-alala ko sa kanya. May ganitong ugali pala si Rohan, kapag nahihiya o nagu-guilty siya sa pangyayari ay agad siyang namumula at hindi makatingin. Na punta lang naman kami sa biruan pero hindi niya alam na sumubra na pala siya. Pinag-alala niya ako, pinaiyak niya pa. Tinanggal ko na nga sa isipan ko ang nangyari kanina dahil nakakahiya 'yun. Ayaw ko na rin magtanong pa sa kanya kung bakit galit na galit '

