Unknown Disease 45 | Coup de grâce _______________________________________ Astrid "Be ready, they're here," mahinang sabi ni Liam kaya naghanda na kaming dalawa ni Stefanie sa loob. Ang sabi ni Liam sa amin kanina na kada dalawang oras ay may nag-iikot daw na dalawang bantay at inaabutan ang mga infected ng tubig na maiinom kahit papaano. And we'll take advantage of that to carry out our plan. Gaya ng aming napagplanuhan sa pangunguna ni Liam ay aantayin namin silang dumating at do'n kami kikilos at gagawa nang paraan para makatakas. Sigurado si Liam na makakaya namin sila dahil dadalawa lang daw ang nagbabantay, bukod pa ro'n ay AM at PM shift ang palitan ng mga nagbabantay kaya hindi na namin kailangan pang problemahin ang pagpasok ng ibang bantay sa loob na nag-iikot. He's been

