Unknown Disease 48 | Stay With Me _______________________________________ Astrid "Oh my gosh!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Minna. Hindi ko alam kung paano at sa paanong paraan sila nakapunta rito. "What happened?" Hindi makapaniwalang tanong ni Minna at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan namin ni Kuya Cyrus. "He was shot," kalmadong sagot ko sa kanya kahit pa parang gusto ko muling maiyak dahil sa katotohanang wala na si Kuya Cyrus sa akin. I'm keeping my emotions and thoughts together in order not to break down again. Nakita ko pa ang pagbuhos ng luha ni Minna habang dahan dahang hinawakan ang wala ng buhay na kamay ni Kuya Cyrus. Para na ring kapatid ang turing ni Minna kay Kuya Cyrus gaya nang pagturing niya sa akin kaya alam kong gaya ko ay nasasakta

