Title: Bloody island
Genre: Horror
Author: Zeon Canlas
Nakaligtas kami nila Jerick, Kuya Miko, Leslie, Jobert at Jessica. Napaiyak na lang kami ng makita ang mga labi at mga bahagi ng katawan ng kaibigan namin. Nakita ko si Jerick, mahigpit na niyakap ang walang buhay na katawan ni Micheal habang umiiyak ito, awang awa ako kay Jerick nung mga oras na iyon. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa lahat ng nangyari..
Sumakay na kami ng bangka, dala ang lungkot sa aming mga puso, Hinihiling namin na sana bangungot lang ito at hindi totooo. Pagbaba namin sa pampang may sumalubong na mga reporter sa amin, ngunit wala kaming gana sagutin ang mga tanong nila, agad kami isinakay sa sasakyan upang dalhin sa hospital.. Kumalat ang balita sa buong Pilipinas tungkol sa nangyari sa amin sa isang madugong isla.
Reporter: Balita! Balita! Isang pag aari ng isla na kilalang pamilya, pinasok ng isang baryong kulto.
Reporter: Balita ngayon! Ayon sa militar, ang nakasagupa nila sa isla ay hindi mga tao kundi mga halimaw daw.
Reporter: Isang baryo ni-raid ng kapulisan at mga sundalo, tumambad sa kanila ang daang daang mga bahagi ng katawan ng tao na nakita sa mga bahay, bahay doon, hinuli lahat ng nasa baryo ngunit lumaban ang karamihan dito at napatay sa ingkwentro.
Reporter: Ayon sa interview namin kay Miss Leslie na isa sa biktima ng mga kulto. Nakaalitan daw ng isa sa kaibigan nila ang suspect na si Ka Rodi, kaya daw ito naghiganti, pumasok ang baryo kulto ni Ka Rodi sa isla ng walang bangka at lumangoy lahat sila papunta sa isla. Nag aanyong halimaw din daw ang mga ito, kitang kita daw nila mismo sa harapan ng rest hause. Nasaksihan din nila na pinahirapan at kinain daw ng buhay ang mga kaibigan nila, meron tinuhog ng buhay na parang letchon baboy, pinagtataga ng buhay, sinunog ng buhay at kinain ng buhay.. nakakatakot po ang kwentong ito..
Reporter: Ito po ngayon ang larawan ni Ka Rodi na pinuno ng Kulto, may palo ng martilyo sa ulo, durog ang mga kamay sa paghampas ng martilyo at dinukot ng kaliwang mata nito. Ayon sa report, walang pang aabuso ang mga militar, kundi ang galit ng isa sa biktima niya ang gumawa nito..
Makalipas ang isang taon.
Bumalik kami ni Jerick sa Isla, kasama sila Jobert, Jessica, Kuya Miko, Leslie, at ang mga sundalo na magbabantay sa amin. Ramdam pa din namin ang lungkot sa isla. Nag alay kami ng panalangin at dasal para sa mga kaibigan namin nasawi sa islang ito.
Jerick: Patawarin nyo ako! Kung hindi ko kayo dinala dito, hindi sana buhay pa ang mga kaibigan natin.
Krista: Huwag mong sisihin ang sarili mo Jerick!
Jerick: Hindi ko maalis sa isipan ko! Kahit anong gawin ko, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.. Patawarin mo ako Krista, kung hindi pa din ako handa na pakasalanan ka ngayon. Gusto ko muna hanapin ang sarili ko! Gusto ko muna ayusin ang sarili ko! Feeling ko wala akong maihaharap na mukha sa inyong lahat. Sa tuwing makikita ko kayo, sinasabi ko sa sarili ko, ako ang dahilan kung bakit nasira ang mga buhay nyo, ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga kaibigan natin! Patawad Krista kung hindi kita kayang ihatid sa altar ngayon.. Alam mo kung gaano kita kamahal.. Alam mo yan! Mahal na mahal kita!
Niyakap ko si Jerick ng mahigpit, dahil hanggang ngayon sinisisi pa din niya ang kaniyang sarili. Napakalaki ng ipinagbago ni Jerick matapos mangyari ang insidente sa isla. Hindi na siya yong Jerick na nakilala ko na punong puno ng saya at mga pangarap, ang Jerick na kaharap ko ngayon ay nababalot ng lungkot, dilim at punong puno ng pagsisisi sa kaniyang buhay..
Krista: Jerick, hindi mo yon kasalanan, hindi ka namin sinisisi nila Jobert at Leslie at ng iba pa! Hindi ikaw ng sumira sa buhay namin! Wala kang kasalanan..
Miko: Jerick, wala kang kasalanan. Ang mga halimaw na yon ang may kasalanan, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo!
Jobert: Pareng Jerick, hindi mo yon kasalanan. Maniwala ka sa amin.
Jessica: Tama sila! Pakiusap wag mong sisihin ang sarili mo!
Napaluha na lang si Jerick habang tinitignan kami pa isa isa.
Jerick: P-patawad! Patawarin nyo ako! Sorry, sorry talaga! Hindi ko talaga kayang harapin kayo ngayon! Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko kayo! Patawad! Patawad! Patawarin nyo ako! Gusto ko muna lumayo, para ayusin ang sarili ko!
Nang marinig ko ang sinabi ni Jerick, bigla na lang pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata, pakiramdam ko para bang may sumabog sa loob ng aking dibdib.
Krista: Jerick naman! Huwag mo naman gawin sa akin ito! Huwag mo naman akong iwanan! Pakiusap naman oow! Mahal na mahal kita! Hindi mo na ba ako mahal kaya iiwanan mo na lang ako ng ganito?
Niyakap ko si uli si Jerick ng mahigpit, nagmamakaawa at nagbabakasali na baka mabago ko pa ang disisyon niya!
Jerick: Krista alam mo kung gaano kita kamahal! Mahal na mahal kita! Aalis ako para ayusin lang ang aking sarili, para sa pagbabalik ko buo na uli ang Jerick na minahal mo noon! Babalik ako para sayo! Pangako yan Krista! Mahal na mahal kita!
Bumitaw ako sa pagkayakap sa kaniya, dahil alam ko na hindi ko na siya mapipigilan pa! Naglakad si Jerick papalayo sa amin habang umiiyak ito! Simula nung umalis si Jerick wala na akong balita sa kaniya, hindi man lang siya tumawag, kahit txt wala akong natanggap mula sa kaniya. Sinubukan ko din kausapin ang pamilya niya ngunit wala din daw silang balita, alam ko na alam nila kung nasaan si Jerick. Inintindi ko na lang sila, na baka gusto lang talaga ni Jerick na mapag isa! Araw-araw hinhintay ko ang tawag niya, umaasa na balang araw babalik din siya sa akin.
Makalipas ng apat na taon!
Leslie: Kamusta kana na Krista?
Krista: Ito ok lang naman! Kamusta na ang anak nyo ni kuya Miko?
Krista: Ok lang sila, Ayon ang mag ama!
Miko: Kamusta ka na Krista?
Krista: Wow naman ang gwapo naman ni baby Julius!
Krista: Lam nyo hindi talaga ako nagkamali na kayong dalawa ang magkakatuluyan!
Miko: Pinikot lang ako ni Leslie!
Leslie: Hoy Miko! Pinapaalala ko lang sayo niligawan mo ako!
Krista: Hahahaha
Jobert: Kamusta kayo?
Jessica: Hi! miss ko kayong lahat!
Leslie: Kamusta ang bagong kasal?
Jessica: Ito two months na akong buntis!
Leslie: Wow congrats sis!
Miko: Congrats!
Habang masasaya sila bigla na lang pumatak ang luha ko, pumasok sa isip ko si Jerick, iniisip ko na "Masaya din sana ako tulad nila kung hindi umalis si Jerick.
Leslie: Ok ka lang ba Krista?
Jessica: Krista naalala mo na naman ba si Jerick?
Jobert: Hanggang ngayon ba wala ka pa din balita sa kaniya?
Krista: Hindi na yata babalik si Jerick! Baka, siguro nakahanap na siya ng iba! Hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kaniya. Apat na taon na, hindi pa din siya nagpaparamdam! Gusto ko muna sana umuwi kung ok lang sa inyo? Pasensya na kayo!
Miko: Naiintindihan ka namin Krista!
Tumayo ako, at nagmadaling maglakad para makauwi sa bahay, nang biglang may nakasalubong akong lalaki, nagkabanggaan kami! Hindi ko ito tinignan sa mukha at agad lumayo pagkatapos ko humingi ng pasensya!
Miss sandali lang! Sandali lang! Krista!
Napatigil ako sa pagmamadali, dahil pamilyar ang boses na iyon, dahan dahan ko nilingon ang lalaking tumawag sa akin, napaiyak ako ng makita ko ito! Naghalo ang saya, inis at galit sa puso ko. Dahil sa inis ko lumapit ako sa kaniya at sinampal ito ng malakas!
Krista: Apat na taon! Apat na taon akong naghintay sayo! Umaasa na baka bumalik ka pa, miski isang tawag man lang oh kahit isang txt hindi mo magawa!? Oh baka may iba ka na? Sabihin mo lang!
Dahil sa sobrang inis ko sinapak ko ito sa mukha at nag walk out..
Jobert: Miko! Miko! Miko!
Miko: Ano ba yon, Jobert?
Jobert: Si Jerick! Si Jerick nga yon!
Leslie: Si Jerick nga! Lapitan natin!
Jobert: Huwag hayaan muna natin sila makapag usap ni Krista! Sakit nun, aray ko Jerick!
Jessica: Anong masakit?
Jobert: Sinapak ni Krista si Jerick!
Leslie: Huh?
Habang ako ay papalayo dahil sa sobrang inis. Hinabol ako ni Jerick.
Jerick: Aray ko ang sakit nun aah! Krista sandali lang!
Krista: Gusto mo uli masapak sa mukha?
Jerick: Oh, oh ayuko na! Kausapin mo naman ako Krista!
Krista: Haaaaahh Nakakainis ka! Apat na taon, apat na taon mo akong pinagmukhang tanga! Halos mabaliw ako, sa kakaisip kung buhay ka pa ba!
Jerick: Patawarin mo ako Krista! Ok na ako ngayon!
Krista: Ako tinanong mo ba kung ok ako? Huh? Apat na taon yon!
Tinulak tulak ko si Jerick dahil sa sobrang pagka-inis!
Jerick: Sorry! Sorry na! Kung gusto mo ko'ng saktan sige gawin mo! Kung yan ba ang makakapag pagaan ng loob mo!
Krista: Napakayabang mo talaga, bwesit ka!
Jerick: Krista! Na miss kita!
Nagsimulang pumatak ang luha ni Jerick at niyakap ako ng mahigpit!
Jerick: Patawarin mo ako! Inayos ko lang ang sarili ko! Hindi ako naghanap ng iba! Ikaw lang ang mahal ko! Bumalik ako para sayo!
Krista: Sa loob ng apat na taon, wala akong iniisip kundi ikaw! Kamusta ka na ba? Kumain ka na ba? Masaya ka ba?
Jerick: Patawad! Ito na ako bumalik ako! Gusto ko ituloy yong ipinangako ko sayo! Hindi na ako muling aalis pa! Ipinapangako ko yan! Tignan mo ako mas lalo akong gumawapo!
Krista: Haha, Mukhang bumalik ang yabang mo!
Biglang gumaan ang pakiramdam ko nung sandaling niyakap niya ako ng mahigpit.
Krista: kamusta ka na?
Jerick: Ito, ayos na ako! Ikaw?
Krista: Ok naman! Hindi ka na ba aalis?
Jerick: Hindi na! Kahit kailan! Patawad!
Krista: Pinapatawad na kita!
Nagulat ako sa sumunod na nangyari, biglang lumuhod si Jerick sa harap ko!
Krista: Ano ba ang ginagawa mo? Ok na pinapatawad na kita. Tumayo ka na dyan pinagtitinginan na nila tayo!
Jerick: Wala akong paki sa kanila!
May dinukot ito sa kaniyang bulsa.
Jerick: Krista, alam ko maling sitwasyon ito, pero apat na taon ko hinintay ang pagkakataong ito! Will you Merry me? Please!
Halos isang minuto nang nakaluhod si Jerick, at nakatulala lang ako, habang nakatingin sa singsing na kaniyang inaabot sa akin!
Jerick: Krista? Hello Krista!? Ayaw mo ba?
Krista: Hindi, hindi naman sa ayaw ko, hindi lang ako makapaniwala..
Jerick: Hindi ka makapaniwala na ano?
Krista: Ito! Yong nakaluhod ka ngayon tapos nag aalok ng kasal.
Jerick: So, payag ka na?
Krista: YES! Oo! Oo Jerick! Mahal na mahal kita!
Jerick: YES! WOOOOOOOHH
Napatalon ito sa sobrang saya at binuhat ako!
Krista: Ano ka ba Jerick! Ibaba mo ako! Hahahaha
Leslie: Congrats sa inyong dalawa! Mahal na mahal namin kayo!
Miko: Congrats sa inyo!
Jessica: Grabe! Napaiyak ako sa inyong dalawa! Best wishes para sa inyo!
Jobert: Kiss mo na Jerick!
Jerick: Oo ba!
Krista: Tumigil ka Jerick!
Jerick: Isa lang damot nito!
HAHAHAHAHAHA
Bumalik sa ala ala ko noong unang mag propose si Jerick sa isla, kung saan nandoon lahat ng kaibigan namin! Bumalik ang masasayang araw na yon, at bumalik ang Jerick na minamahal ko!
-WAKAS