Title: Bloody island
Genre: Horror
Author: Zeon Canlas
2:30 ng madaling araw.
Toto: Ka Rodi, hindi ba namin babantayan ang bahay? Baka kasi makatakas sila!?
Jomar: Siya nga po Ka Rodi, saka may tatlong babae pa sa loob hehehe
Rodi: Tumahimik nga kayo! Wag kayo mag alala, winasak na natin ang lahat ng mga bangka, kaya ayos lang kahit saang lupalop pa sila ng isla magpunta, mahuhuli natin sila!
Sara: Tama si ama! Isa pa kung lalangoy sila siguradong malulunod sila dahil sa lakas ng hampas ng alon!
Rodi: Makinig kayo! Malapit na mag alas tres, alam nyo naman sa ritual na ito tuwing piyesta ay espisyal ang pagdiriwang na gaganapin natin! Bawal ang hindi makiisa sa ritwal na ito, dapat lahat tayo ay kasama sa gaganaping ritwal.
Negro: Tama si Ka Rodi! Mag antay lang tayo!
2:40 ng madaling araw.
David: Maghanda na kayo! Jerick? Jerick!?
Jerick: Kuya David!
David: Huwag mo ako alalahanin Jerick! Kaya ko ito!
Jerick: Hindi ako sangayon sa gusto mo kuya David!
Miko: May nakita ako mga bote na may laman na gas dito!
David: Akin na yan! may gagawin ako dyan! Makinig kayo bago mag alas tres aalis na kayo!
Miko: Ano po ba ang gagawin nyo sa Gas?
David: Ako na ang bahala!
2:45 ng madaling araw.
Rodi: HOY GAGO GISING!
Micheal: Ano bang problema mo bulag?
Rodi: Malapit ka nang maghirap, kaya ginising kita, gusto ko kasi marining ang pag sigaw ng pag hihirap mo! HAHAHAHA
Micheal: Gago! Kaluluwa mo ang maghihirap sa impyerno at ang lahat ng kakulto mo!
Rodi: Hindi kami pinapabayaan ng sinasamba namin!
Micheal: Ulol! Ikaw at ang sinasmba mo, parehas kayong gago, tarantado at siraulo! Hahaha
Rodi: Bastusin mo na ako wag lang ang panginoon ko!
Sinaksak ni Ka Rodi si Micheal sa hita!
Micheal: AAAAAHHHGG huh.. huh.. Tangena mo bulag! Hindi lang isang mata mo mawawala pati yang kaluluwa mo!
Rodi: Ipinapangako ko sayo! Kapag nahuli ko ang mga kaibigan mo papahirapan ko sila! Ipapagahasa ko ang mga babaing kasama nila sa mga kalalakihan ng baryo namin! Ang mga lalaki naman, ay unti unti kong papatayin sa hirap! Tandaan mo yan!
Jomar: O narinig nyo si Ka Rodi? lilihya tayong mg kalalakihan! HAHAHAHA
Negro: HAHAHAHA
Micheal: JERICK! UMALIS NA KAYO DITO! HUWAG NYO AKO ALALAHANIN! HANDA NA AKO MAMATAY!
Sinapak ni Ka Rodi si Micheal.
Rodi: Tumahimik ka na! Kanina pa ako napipikon sayo!
2:50 ng madaling araw.
Jerick: Hindi ko na matiis ang paghihirap ni Micheal! Parang ako yong sinaskatan!
David: Ako na ang bahala kay Micheal! Pangako ko sa inyo hindi niya mararanasan pa ang paghihirap!
Jerick: Nanliliit ako sa sarili ko! Dati dati ang yabang ko! Kala ko kaya kong solusyonan ang lahat ng problema! Ito ako ngayon, walang magawa kundi panoorin ang paghihirap ng bestfriend ko!
Miko: Wala na tayo magagawa pa! Tama naman si kuya David, ang tangi na lang natin magagawa ay tumakas at mabigyan ng hustisya ang mga kasamahan natin namatay!
2:55 ng madaling araw!
Rodi: HUMANDA NA KAYO MASASAKSIHAN NYO NA ANG PINAKA INGGRANDENG RITWAL NA MGAGANAP! ANG PANGALAWANG PAG AALAY TUWING ALAS TRES NG MADALING ARAW. PURIIN ANG DIYOS NATIN..
Jomar: Puriin!
Negro: puriin!
Sara: IPARAMDAM DIN NATIN SA MGA TAONG ITO, ANG PAGHIHIRAP!
Rodi: SIMULAN NA ANG RITWAL!
Nagsasayawan sila, habang iniikutan ang rebulto! Nag wiwisik sila ng dugo ng tao sa rebulto!
Rodi: O kayo dyan dalhin nyo na yan dito, at itali nyo sa kawayan na nakatayo! Iaalay natin yan, at papahirapan hanggang sa mamatay!
Itinali na si Micheal sa kawaya sa harapan ng Rebulto, at winisikan din siya ng dugo na galing sa mga kaibigan niyang pinatay!
Micheal: MGA HAYOP KAYO! MAGBABAYAD KAYO! TANDAAN NYO YAN! JERICK UMALIS NA KAYO DITO!
Rodi: Hoy gago! Hindi na sila makakaalis pa dito, dahil sinira na namin ang lahat ng bangka na magagamit nila s apagtakas! kaya kahit anong sigaw mo dyan! Wala kang mapapala!
Micheal: JERICK UMALIS NA KAYO DITO!
Rodi: Patahimikin nyo yan!
Kumuha ng patalim si Sita, at hiniwa ang pisngi ni Micheal..
Jerick: MICHEAL.. MGA PUTANGENA NYO! MGA HAYOP KAYO!
David: Jerick! Jerick! Makinig ka!? Kailangan nyo na umalis ngayon dito!
Jerick: Papaano si Micheal? Papaano kayo?
David: Wag ka nang makulit na bata ka! Mawawalan ng saysay kung mamatay tayong lahat!
Miko: Makinig ka naman Jerick!
Leslie: Tama si kuya David!
Jobert: Masakit din ito sa amin Jerick! Wala eh..
Krista: Jerick mahal ko! Kung anong magiging desisyon mo doon ako! Sasamahan kita!
Jessica: Kailangan na natin umalis mag aalas tress na! Samantalahin na natin ito habang nagkakasyahan sila!
Miko: Tumingin ako sa likod walang nag babantay! Tara na!
David: Jerick kumilos ka na! Pakiusap!
Umiiyak na lang si Jerick at wala na itong masabi!
Kaya hinatak na lang ito ni Miko at Jobert papalabas!
Miko: Halika na Jerick!
Jerick: Pero papaano si kuya David at Micheal?
Jobert: Wala na tayo magagawa pre!
David: Ilabas nyo na si Jerick sige na!
Jerick: Kuya David! Pakiusap wag!
David: Anak, Jerick! Mahal na mahal kita para na kitang tunay na anak! Paalam anak ko!
Miko: Halika na Jerick!
Jobert: Patawarin mo kami Jerick, pero kailangan natin mabuhay!
Jerick: Huuh.. huh.. kuya David, Micheal!
Krista: Kuya David! Patawarin mo kami! Salamat sa lahat!
David: Sige na umalis na kayo!
Halos madurog ang puso ni Jerick habang siya ay pilit na hinahatak papalabas ng bahay! Nakatingin lang siya sa mga mata ni David habang humahagulgol ito ng iyak.
3:00 ng madalaing araw.
David: Diyos ko! Ikaw na po ang bahala sa mga bata! Naway makatakas sila ng ligtas! Gabayan nyo po sila, kaawaan nyo din po ako at patawarin sa aking mga pagkakasala!
Rodi: KAYO DYAN SA LOOB NG BAHAY TUNGHAYAN NYO ANG GAGAWIN NAMIN SA KASAMA NYO!
Pinutol ni ka Rodi paisa isa ang dliri ni Micheal sa kamay!
Micheal: AAAAAHHHHHHGG JERICK TAPUSIN NYO NA AKO!
Biglang lumabas si David at nagpapatok ng baril!
BANG! BANG!
Rodi: HINDI? HINDI PA TAPOS ANG RITWAL! HUWAG KA MUNA MAMATAY! ISA ITONG KALAPASTANGANAN AT KARUMALDUMAL SA AMING PANGINOON!
Micheal: Huh.. huh... Sa.. la..mat ku.ya.. David..
Tuluyan ng namatay si Micheal, binaril siya ni David upang hindi na niya maranasan pa ang paghihirap sa kamay nila Ka Rodi!
Sita: Ka Rodi namatay ang alay!
Felix: Ano na gagawin natin? Kailangan natin ng maiaalay kundi yari tayo sa panginoon natin!
Sara: Baka patayin niya tayo! Kailangan natin ng alay bago sumapit ang alas kwatro ng madaling araw.
Rodi: SIGE, SUGURIN NYO NA ANG BAHAY!
Pumasok uli si David sa bahay! Inihanda niya ang mga bote na may laman na gas, at ikinalat niya sa buong bahay ito, at pinutol din niya ang tubo ng tangki ng gas!
David: Punyeta, wala na akong bala!
Jomar: HOY GAGO! PAPASUKIN MO KAMI!
David: MGA TARANTADO! SIGE PUMASOK KAYO DITO!
Sara: PAPATAYIN KITA!
Negro: Wala ang ibang mga kasama niya!
Toto: Maiwan kayo dito! Hahabulin namin ni Jomar, at n***o ang mga kasama niya!
Jomar: Oh kayo dyan! Samahan nyo kami!
Toto: Hoy Jomar, wag kang magmadali! Bilisan nyo na sundan natin si Jomar!
Sinundan nila Toto at iba pang mga kasama nila, sila Jerick!
David: MGA GAGO PUMASOK KAYO DITO!
Nasira ang pintuan at nakapasok na ang halos lahat ng mag kababaryo!
Felix: Ano na? Nakapasok na kami? Anong magagawa ng bote mo na may apoy na nakasindi? Hahahaha
Sita: Ikaw ang iaalay namin! Mas mahirap ang ipapadanas namin sayo!
Sara: Kakainin ko yang mga mata mo, pagkatapos isusunod namin nag mga kasama mo!
David: Mga ulol! Hindi nyo na sila masasktan pa! Sama sama tayong maghihirap dito!
Sara: Amoy gas! LUMABAS KAYONG LAHAT!
Ibinagask ni David ang boteng may laman na gas na may nakasinding apoy sa mitya nito! Nasunog silang lahat!
Felix: AAAHHHHHHHGGG
Sita: FELIX MAAHAAALL AAAHHHHGGG
Nagawa pang makalabas ni Sara habang siya ay binabalot ng apoy sa katawan at tumatakbo ito papunta sa kaniyang ama.
Sara: HHAAAAHHHGG AMA TULUNGAN MO AKO! AAAAHHHGGGG
Rodi: SARA! ANAK KO! ANAK KO!
Bumagsak si Sara sa harap ni Ka Rodi, pinatay ni Ka Rodi ang apoy na bumablot sa katawan ng kaniyang anak, ngunit huli na ang lahat!
Rodi: Sara? Anak ko! Gumising ka!
Wala ng nagawa pa si Ka Rodi, kitang kita niya ang paghihirap ni Sara habang nasusunog ito! Tanging pag iyak at yakap na lang ang nagawa niya sa sunog na bangkay ng kaniyang anak.
Rodi: SARAAA..... ANAK KOO.... HUMANDA KAYO PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!
Sumunod si Ka Rodi na punong puno ng galit..
Krista: Tignan nyo, nasusunog ang rest house!
Miko: Bilisn nyo na! Baka maabutan pa tayo!
Jessica: Nandyan na sila! Bilis..
Sinungaban ni Jomar si Jobert, at kinagat ito sa balikat!
Jobert: AAAAHHHHHHH
Hawak ang martilyo pinalo ni Jessica sa ulo si Jomar!
Jessica: TANGENA MO, ITO ANG SAYO!
Pinalo ng pinalo ni Jessica ang ulo ni Jomar hanggang sa madurog ito!
Jobert: Mahal Jessica tama na yan!
Jessica: HAYOP KA! DEMONYO KA! ITO ANG SAYO!
Krista: Halika na Jessica tama na yan!
Nagpatuloy sila sa pagtakbo at nakalayo na sila sa bangkay ni Jomar, at nadatnan nila Toto si Jomar na durog na durog ang ulo..
Negro: Si Jomar to'h!
Toto: MGA HAYOP KAYO! PATAYIN NATIN SILA! BILISN NYO!
Patuloy sa pagtakbo sila Jerick, hanggang sa makarating sila sa sampahan ng mga bangka.
Jerick: WOOAAAAHH wala din silbi! Sira ang mga bangka!
Jessica: Papaano na tayo!?
Leslie: Ano na ang gagawin natin!?
Jobert: Mukhang dito na tayo mamatay!
Krista: Huwag kayo mawalan ng pag asa!
Miko: Tama si Krista! Humanda kayo nandito na sila!
Jerick: Lalaban tayo hanggang kamatayan!