Part 5

1094 Words
Title: Bloody island Genre: Horror Author: Zeon Canlas Hinanap nila Jerick, ang kasamahan nila. Jerick: Saan kaya nagpunta ang dalawang yon? David: Mag hiwalay kaya tayo? Miko: Delikado kung maghihiwalay tayo! Hindi nga natin alam kung bakit may nagpaputok ng baril. Jerick: Tama si kuya Miko, delikado kung maghihiwalay tayo! Saan nyo ba nakita yong bulag na yon? David: Malapit sa mabatong lugar! Jerick: Kung ganon doon tayo pumunta! Nagpunta sila Jerick upang hanapin ang mga kasama niya malapit sa mabatong lugar ng isla! Rodi: O yan na pala ang mga kabaryo natin? Oh halikayo dito bilisan nyo ang pag ahon sa dagat! Negro: Kamusta po kayo? Malayo din ang nilangoy nyo! May makakain tayo dyan! Jomar: Tuloy po kayo, mamaya po madami po tayong handa! Rodi: Oh Anak, nandito ka na pala Sara! Oh ang bunso! Halika nga dito buknoy! Sara: Tay, may makakain na po dyan? Rodi: Meron na anak! Oh n***o, Jomar! Bigyan nyo ng makakain si Sara at ang Bunso ko! Negro at Jomar: Sige po Ka Rodi! Rodi: Bunso ko halika ka dito buknoy! Napagod ka ba sa paglangoy? May surpresa ako sayo, ang paborito mong atay ng tao! Boknoy: Salamat po Itay! Rodi: O Doon ka muna! Nandyan pala si Bonbon yong kalaro mo! Jomar: Ka Rodi, kulang po ang pagkain natira, baka pwede na natin galawin yong tinuhog nating tao? Rodi: Wala na bang iba? Felix: Ka Rodi! Rodi: O Ka Felix may sugat ka sa braso! Anong nangyari sayo? Sita: Ito Ka Rodi may dala akong pagkain! Rodi: Ayon pala! Oh n***o, Jomar ito muna ang ipakain nyo sa mga bisita mamaya na yong tatlo! Jomar: Sige po Ka Rodi, halika na n***o dalhin na natin ito! Habang patuloy ang pagdagsa ng mga kabaryo ni Ka Rodi, nakita ito nila Jerick, Miko at David at sa di inaasahan, masasaksihan nila ang karumaldumal na eksena! David: Anong klasing mga tao mga yan? Lumangoy lang sila papunta dito? Malayo ang islang ito! Miko: Tignan nyo si Andres at si Honey nakatali! David: Si Randy yon! Duguan si Randy! Jerick: Tignan nyo! May putol na ulo na nakatusok sa kawayan! David: Putangena si Nelson yan! Anong klaseng mga demonyo ito? Pamilyar ang mga hayop na yan! Sila yong mga taga baryo na kasapi ng kulto at sumasamba sa demonyo! Jerick: Si.. si kuya randy ba yong nakatuhog sa kawayan? David: (Nasuka) Punyeta di kinaya ng sikmura ko! Miko: Tignan nyo ginagawa nila kay Vic! Nakita nila na inalisan ng damit si Vic.. Jomar: Oh sandali lang wag kayo mag tulakan! Lahat mabibigyan! Negro: Jomar, ipamahagi mo na yan! Tinaga ni Jomar ang kanang kamay ni Vic at inabot ito sa isa.. Vic: HHHHHMMMMMMPPPPP! Negro: Ano ba kayo? Sabing huwag kayo mag tulakan! Tinaga uli ni jomar ang kanang braso ni Vic at ibinigay pa sa isa, wala ng magawa si Vic kundi ang umiyak, wala ng boses na lumalabas sa kaniya dahil putol na ang kaniyang dila! Muli tinaga ni Jomar ang kanang binti ni Vic! Jomar: Hoy Gago binti yan mag hati kayong dalawa, para lahat makakain! Vic: (Napasuka sa sobrang sakit ng nararamdaman) WUUUEEAAAAHH Negro: Jomar tagain mo na lang ng tagain sa maliliit na hiwa! Ang tagal kasi! Jomar: Sige! Tinaga ni Jomar ng maliliit na hiwa ang katawan ni Vic, inuna niya ang kaliwang, kamay, braso, kaliwang paa, at hita nito. Nag seizure na si Vic sa sobrang sakit ng naramdaman! Jomar: Oh sino ang may gusto sa ulo? Ka Rodi: Oh kay ka Felix yan ipinangako ko sa kaniya ang utak, saka paborito niya yang utak, at silang mag asawa ang nakahuli dyan! Jomar: Oh Ka Felix kunin nyo na po itong ulo! Rodi: Oh may dala akong langis dyan! Na orasyunan ko na yan! Ipahid mo sa sugat mo sa braso para mabilis mawala yang sugat mo! Felix: salamat po Ka Rodi! Jomar akin na yong ulo! Jomar: Ito na po Ka Felix! Tinaga na ni Jomar ang ulo ni Vic, at ibinigay na ito kay Ka Felix! Hindi na kaya pa ng sikmura nila David ang nasasaksihan nilang karumaldumal na pagpatay. David: Hindi ko na kaya toh! Umalis na tayo dito sa isla! Jerick: Papaano sila Andres at Honey! Miko: Wala tayong magagawa sa dami nila kaya mabuting umalis muna tayo pagkatapos humingi tayo ng tulong! Bonbon: Anong ginagawa nyo dito? Buknoy: Wow tatlo kayo! Mukhang masarap kayong tatlo! David: Hoy mga gago! Nakakasuka kayo! Bonbon: Ganon po ba? Kung ganon papatayin namin kayo! Nag palit ng anyo si Buknoy at Bonbon. At biglang bumunot ng baril si David.. BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! Sara: Ano yon? Putok ng baril yon ah! Buknoy kapatid ko nasaan ka? Negro: Ate Sara nakita ko kanina naglalaro lang sila ni Bonbon! Rodi: Nandoon nanggaling ang putok! Tignan natin madali kayo! Pinuntahan nila ang lugar kung saan narinig ang putok ng baril, at nadatnan nila ang dalawang bata na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay! Rodi: Anak ko? Bunso ko? Ito na ang atay ng tao! Hindi ba paborito mo ito? Gumising ka na! Sara: HINDI! BUKNOOOY KAPATID KO! HUHUHUHU Felix: ANAK KO! ANAK KO! HINDI ITO TOTOO! Sita: WAAAAAHHH AKIN NA ANG ANAK KO! ANAK KO GUMISING KA! Rodi: A.. Aaaanaak ko! GRRRRRAAAAAAHHHH Habang tumatakbo si Jerick, Miko at David. Narinig nila ang pag sigaw ni Ka Rodi! Jerick: Ano yon? David: Parang sigaw ng demonyo! Miko: Dalian na natin ng makabalik na tayo sa rest hause! David: Umalis na tayo dito puro mga demonyo ang mga yon! Jerick: Papaano ang mga kaibigan ko? David: Sir Jerick, hindi mga tao ang nakasagupa natin mga demonyo yon! Miko: Humingi muna tayo ng tulong hindi natin kaya ang mga yon! Madami sila at mga halimaw pa! David: Tara na! Bilisan na natin bumalik sa rest hause ng makaalis na tayo dito! Nagpatuloy sa pagtakbo ang tatlo pabalik ng rest hause! Rodi: PUMUNTA NA TAYO LAHAT MALAPIT SA BAHAY, HANAPIN NYO KUNG SINO ANG MAY GAWA NITO! Nagpalit ng anyo ang lahat ng mga magka baryo, at nagmadaling pumunta malapit sa rest hause! Rodi: Jomar, n***o Maiwan kayo dito bibitbitin natin ang mga pagkain! Yong dalawang buhay! Papahirapan natin sa harapan nila! Ipaparanas natin ang sakit na dinadanas natin ngayon, ipapakita natin sa kanila ang karumaldumal na mangyayari sa mga kasamahan nila! Negro at Jomar: Opo! Sara: Tay! Ako ang magpapahirap sa mga yan! Felix: Papatayin ko silang lahat! Sita: Papahirapan ko sila higit sa ginawa ko sa isa kanina! Ipaparanas ko ang hindi pa nila nararanasan sa buong buhay nila! Felix: Gawin nyo ang gusto nyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD