Pasado alas dos na ng tanghali nang magulat si Henziel na may tumalon mula sa kan'yang bintana. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal niyang tanong kay Davis na ngayon ay nakasuot pa ng sombrero. “Ayan! Bumabalik na nga ang kasungitan mo. Gusto ko 'yan kaysa nakikita kitang umiiyak.” “Whatever! Ano bang ginagawa mo rito?” inis ko siyang binigwas ng kumot at bumaba sa kama. Napansin ko rin ang biglang pag-iwas niya ng tingin. Napanguso naman ako sa inasta niya, akala niya siguro wala akong damit. Napansin niya sa gilid ng kan'yang mga mata na panay sulyap ito sa kan'ya. “Relax, natuto na akong mag-damit dahil sa isang manyakis pumasok sa kuwarto ko!” nakangiting saad ko sa kan'ya habang umigting naman ang kan'yang panga. “What? May sasabihin ka ba?” tanong ko kay Davis. “Wala. Ikaw

