“Mama!” Napabalikwas ako nang maalala ko kung anong nangyari kay mama.
Nangingilid ang mga luha ko nang balikan ko ang mga alaala ni mama bago siya tuluyang pumasok sa kotse na 'yon.
Nagising ako nang may maaalala ang liwanag na sumalubong sa akin noong unang labas ko sa sinapupunan ng aking ina. Ang unang iyak ko, unang gapang sa sahig, unang paglakad, unang pagtakbo, unang pagngiti, unang beses na nakaramdam ng kasiyahan, kalungkutan. Lahat ng iyon ay naging klaro sa aking isipan.
Binuksan ko ang bintana at inamoy ang sariwang hangin sa labas. Ramdam ko ang mahalimuyak na hangin mula sa mga bulaklak. Pumikit ako at inamoy ang napaka-sarap na hangin na dumapo sa aking balat. Ang bawat huni ng mga ibon sa paligid at ang kumpas ng mga pakpak ng paru-paru habang sumasayaw sa ibabaw ng bulaklak.
Hindi ko alam kung dapat ba maging masaya ako o malungkot. Masaya dahil ngayon lang ako nakakaramdam ng mapayapa at tahimik. Malungkot dahil pakiramdam ko nag-iisa na naman ako ngayon.
Bumaba ako at nakita ko ang lola ko, masigla ko itong sinalubong saka umupo at kumuha ng makakain.
“Magbihis ka't maligo” panimula ng Lola ko habang humigop ng kape.
“Bakit ho?” tanong ko.
“Anong bakit? May pasok ka at gusto kong samahan kita.” nakangiting saad ng lola ko.
Hay, she enrolled me again.
“Lola, sanay na akong pumasok mag-isa besides hindi na ako bata 'no!” nakasimangot kong sagot rito.
Ever since my mom die I learn to be dependent. My dad got a new family. I was alone. Alone enduring the pain. I was alone conquer all the pain. I was abandoned by my own father. Mas pinili niya ang bumuo ng bagong pamilya kaysa sa'kin na anak niya.
I was left being alone. No one knows how I want to disappear. No one knows how painful I am. In how many times I got to expelled? Two? Three? Four? Six? times? Para mapansin niya lang ako? But I have my lola who accepted my flaws, I really love her and I'm thankful for that. I just want a simple life with my father but suddenly he wants a better life without me.
Nakaligo na ako at lahat-lahat bago nagpasiyang bumababa.
“Lola I'm going!” masigla kong sambit sa Lola.
“Okay,” nakangiting sagot ko. “Hindi mo ba ako bibigyan ng pera, lola?” nakangusong tanong ko kay Lola.
“Para saan?”
“Pambili ng bagong uniporme, Lola!” pagsisinungaling ko.
“Talaga? Oh, ito!” nakangiting sagot nito sa'kin.
Agad ko itong tinanggap at kumaripas na nang takbo palabas ng bahay.
“Make sure you'll buy the uniform!” rinig niyang sigaw ng Lola niya.
Nang makalabas na ako ay kaagad akong pumara na ng taxi hindi papuntang skwelahan kundi sa mall. Ang alam ko ay ngayon na magrere-release ng bagong album ang Jadine. Ever since na lumabas ang Jadine ay naging fan na ako ng mga ito. Stress reliever ko ang Jadine. Minsan pa akong napapagalitan dahil nag-cut ako ng klase para makapunta lang sa meet and greet ng mga nito.
Masaya na ako makabili ng kahit anong bagay basta may kinalaman sa Jadine. Napapawi nila ang lungkot ko kapag nakikita ko sila kahit sa simpling poster, mug, o kahit ano pa. Habang nagtitingin ako ng mga album ay naglingalinga akong napapatingin sa paligid, nang makumpirma kong walang nakatingin ay mabilis kong nailagay ang isang Cd sa loob ng t-shirt ko saka taas noong umalis. Aalis na sana ako nang bigla akong harangin ng guard.
“Saan ka pupunta? Nakita ko ang ginawa mo! Patingin ng bag mo!” sabay hablot ng bag ko ni manong guard.
“Ano ba!” pagalit kong hinablot ulit ang bag ko sa guard.
Nakikipag-agawan pa ako sa guard hanggang sa tumilapon ang mga gamit ko sa sahig. Napapabuntong hininga ako at inis na dinampot ang mga gamit ko.
“Ano ba kasing hinahanap mo manong!” galit na tanong ko sa guard habang pinupulot ang mga gamit ko.
“Nakita ko kinuha mo ang isang CD!” sigaw ng guard.
Inis ko itong binalingan ng tingin saka inayos ang hibla ng buhok ko.
“Oh, may nakita ka ba!?” sigaw kong tanong sa guard.
“Wala, pero nakita ko talaga pinasok mo sa bag mo!” sigaw sa'kin ng guard.
“I will sue you for accusing me without any evidence! This is slander!” sigaw ko sa guard dahilan para mas marami pang taong nakikinood at nakikinig sa'min.
Hahawakan sana ako ng guard pero agad kong binigwas ang kamay nito. Naagaw na namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng mall. Pasiring kong tiningan ang guard.
“Kapag hahawakan mo ulit ako kakasuhan kita ng harassment!” pagbabanta ko sa guard habang naka-cross ang mga braso ko.
“Itong babae na'to sinungaling at magnanakaw pa! Tingnan ninyo ayaw magpakapa dahil may tinatago siya!” dinudurong sigaw sa'kin ng guard.
Sasagot na sana ako nang may biglang sumingit na lalaki.
“Excuse me sir, but I think she's right. That's harassment.” pagtatangol ng lalaki sa'kin.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi ng lalaki dahil kailangan ko nang makaalis dito baka saan pa 'to mapunta. Taas noo kong iniwan ang dalawa saka umalis na parang walang kinuha. Pumasok ako sa isang pampublikong banyo saka inilabas ang CD sa loob ng t-shirt ko. Nakangiting pinasok ko ito sa bag saka lumabas na ng banyo.
“Where is it?” Nagulat ako sa tanong ng lalaki sa'kin.
Naglingalinga akong tumingin sa paligid saka tinuro ang sarili ko.
“Ako?” inosenteng tanong ko rito.
“CD?” tanong ng lalaki sa'kin.
I rolled my eyes and started to walk away but he grab my pulse causing me to stay back.
“Sabing hindi ko nga kinuha eh!” sigaw ko sa lalaki.
Lalampasan ko na sana ulit ito nang hablutin niya ang bag ko, at inilabas ang mga gamit ko nang walang kahirap-hirap.
“Hindi kinuha ah!” hindi makapaniwalang tanong sa'kin ng lalaki.
“Sa itsura mo palang...sigurado akong estudyante ka pa! Alam mo bang puwede kang makulong sa ginawa mo?” pangangaral at mapangasar na sabi ng lalaki sa'kin.
Oo naman! Alam na alam ko! Kaso Lahat ng bawal ay mahirap iwasan. Lahat ng bawal ay masarap gawin.
Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Pinulot ko ang mga gamit ko puwera sa CD pasiring ko tiningnan ang lalaki.
“I'm not a student!” pagtanggi ko.
“Cool, then let's get married.” mabilisang sagot ng lalaki sa'kin habang nakangiti.
Nalimog ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaking 'to.
How come he said that easily to anyone? To strange like me?
Marriage is not that easy, it takes a lot of time before you decided to settle down and build your own family. Kailangan pag-isipan mabuti. Pero sa lalaking 'to wala man lang akong nakitang pag-alinlangan dito, ang dali niya lang sabihin ang salitang kasal nang walang ano-anu.
“W-What? H-Hindi ba makapaghintay 'yan? Estudyante pa ak---” hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang sasabihin ko.
Putekang aso!
“Got yeah! Student ka palang sa susunod galingan mo magsinungaling!” he said and pointed a finger on me.
Napapikit at napayuko ako dahil sa kahihiyan.
“Sasama ka sa'kin isusuli natin 'yan at magso-sorry ka.” sabi ng lalaki.
Itinuro ko sa lalaki ang daan para mauna itong maglakad, hindi pa nakadalawang hakbang ito nang sinipa ko ang CD sa harapan ng lalaki.
“I guess you don't know me well.” saka kumaripas nang takbo pasakay ng bus.