Umaga palang aligaga na ako sa paglilinis ng bahay. Hindi kasi ako mapakali kapag marumi 'yong paligid ko. Gusto ko lahat maayos at malinis. Kapag kasi malinis ang paligid ko maaliwalas siyang tingnan. Hindi ka papasukan ng kahit anong negative vibes. Magaan sa pakiramdam kapag malinis 'yong paligid mo. Sa tuwing nililinisan ko ang maliit kong kuwarto ay para na ring nililinisan ko ang sarili ko. Sa tanghalian nagluto ako ng adobo para sa'min ni lola. Linggo ngayon at mamayang hapon ay magsisimba kami ni Lola. Sa susunod na Linggo ko na malalaman ang magiging desisyon ko, kung mananatili pa ba ako o aalis? I don't know, I just want to forget it for the mean time. I just want to enjoy the remaining time. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko 'to at naglinis ulit. After that nanonood ako

