Kahit lulan sa pag-iisip nagawa ko paring bumangon. Hindi man kasing bilis ng ibang kasamahan kung kumilos, hindi man kasing active ng utak at katawan nila akong kumilos ay nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin. Lumilipas ang buong araw at padilim na naman pero iniisip ko parin ang mga sinabi sa'kin ni Davis tungkol sa buhay niya. Tandang tanda ko pa sa mga mata ni Davis na nagpapahiwatig ng lungkot. Nagpapahiwatig ng sakit ng nakaraan. Hindi ko mapigilang mangamba sa kung anong magiging resulta ng relasyon namin ni Davis at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Samantalang ipinaramdam naman sa'kin ni Davis ang pagmamahal na nararapat na para sa'kin. Pero bakit may kulang? Aaminin ko hindi kasing tulad niya ang nararamdam ko sa kan'ya pero bakit ako nagkakaganito? Anong dah

