“Untie her,” ani Secretary Lopez, at mabilis naman sumunod ang lalaki na nakasunod dito. “What’s happening?” nag-aalalang pinagmasdan ni Churie ang marahas na galaw ng lalaki habang kinakalagan siya. She was also biting her lower lip para lamang hindi makagawa ng ingay sa bawat marahas na kilos nito sa taling tiyak siyang mag-iiwan ng marka sa kaniyang balat. “Up!” singhal ng lalaki. Maging si Secretary Lopez ay bahagyang nabigla sa sigaw na ’yon. Churie smiles like nothing happened while looking at her son Ciro, reassuring him that everything is fine and will be. “Filthy straight people . . .” bulong ng lalaki without hiding his disgusted face habang pinapahid sa damit ang kamay na nadikit sa balat ni Churie. ‘Ako dapat ang mandidri. Hah! Bakit ba palagi akong nai-involve sa mga psych

