Kahit mataas ang sikat ng araw ay panay naman ang ragasa ng malakas at mahalimuyak na hangin. Papaling-paling ang mga dahon ng saging, maging ang lahat ng mga puno sa paligid, tanda na binabalanse ang maalinsangan na panahon. “Inday Rie, pasok ka muna roon sa canteen anak at nang makainom ka ng sariwang sabaw ng niyog,” ani Calista mga ilang metro lamang ang layo mula kay Churie. Nakangiting lumingon si Churie. Hawak niya ang kaniyang buhok na sinasayaw ng hangin. “Sino po ang nanguha ng niyog, ‘Nay?” Unti-unting pumanaog si Churie mula sa batong sinadyang iwan upang maging karagdagang puntahan at tanawin sa loob ng C-Byen. Dahil malapad ang bato at malaki ay tanaw sa ibabaw nito ang bahagi ng banana nursery, at ilang bahagi ng banana plantation. “Engat, anak.” Itinaas ni Calista ang

