Isang buwan matapos ang anniversary party ng Z Valiad Corp ay tuluyan na ring naibalik sa dati ang lahat. Maging ang iba pang naka-freeze na ari-arian ng mga Valiad ay muli na ring naibalik sa kanila. Even ang case na sinampa ni Churie laban kay Mayor Fabian ay maayos ding umuusad. Everything was going so well, kaya hindi maiwasan ni Churie na baka ay may kung ano na naman ang biglang hahagupit na problema sa pamilya niya. Churie was absentmindedly staring at the huge flat screen television. Mahina lamang ang volume nito dahil hindi rin naman siya nagfo-focus sa palabas sapagkat kusang namamasyal ang kaniyang diwa. She wanted to concentrate ngunit nag-iiba talaga ang takbo ng kaniyang utak. “Mo-mommy!” Pabulaga ang pagbukas ng pinto at napalingon naman si Churie nang marinig ang boses n

