Chapter 96

3013 Words

Nangungunot ang noo ni Riya habang sa siya ay nakapikit. Ramdam niya na may humihimas sa kaniyang ulo ngunit mas tinatalo ng antok ang kaniyang diwa dahil sa buong gabi siyang gising. Matapos ang naging matagumpay na operasyon ni Secretary Lopez ay nag-emergency ito bigla matapos ang isang araw. Muli itong nakatulog nang nawala ang threat sa buhay nito, kaya ang resulta ay mag-aapat na itong araw na tulog kung ’di lang nagising ngayon. Riya on the other hand ay kabaliktaran ang dinaranas dahil wala siyang gaanong magandang tulog simula pa nang ma-ospital ito. “Riya . . . Riya.” Muli ay nagsalubong ang mga kilay ni Riya. Itinaas niya ang kaniyang mukha mula sa pagkakahiga sa kama kahit nakapikit pa siya. May iilan pang buhok na dumikit sa kaniyang mukha dahil nabasa iyon ng laway at pawis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD