Myton "Finally, nakauwi rin kayo," bungad ni Luisa pagkapasok namin sa mansyon. "Oh! Tracy, bakit kasama ka nila?" tanong ni Sebastian na himalang hindi busy. "Sinundan ko kasi itong dalawa. Pero nakita ko silang nag-check in sa hotel. Kaya hindi ko muna sila inistorbo. Hinayaan ko na muna silang mag-moment. Kaya pagbalik nila rito ko na lang sila kinausap," paliwanag ni Tracy. Pakiramdam ko ang pula-pula ng mukha ko sa hiya. Dapat hindi ko siya hinayaang magsalita, eh. "Nakapag-moment naman ba sila?" nakangising tanong ni Luisa. Kaya naman pinandilatan ko siya ng mata. "Bakit naman kami magmo-moment? Tigilan nga ninyo ako. I'm tired, okay?" Pagsusungit ko para pagtakpan ang awkward moment na iyon. Paakyat na sana ako ng hagdan nang marinig ko ang sinabi ni Lolo Alfred. "Ano na an

