Myton Nandito kami sa agency ngayon para sa photoshoot namin ni Jack. At hindi maipinta ang mukha ko. Dahil nakita ko kung paano kiligin si Ms. Claire nang iabot sa kanya ni Jack ang bouquet ng bulaklak. Sabi na nga ba, eh. Walang espesyal doon sa bulaklak na ibinigay niya sa akin. Dahil pati ang babaeng nilalandi niya ay binigyan niya rin ng bulaklak. "Remind me to put it in the trash later when I get home," bulong ko sa sarili ko. "Oh! Myton, may problema ba? Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" Yumi asked me. "Wala ito. May nakita lang kasi akong masakit sa mata," peke ang ngiting tugon ko kay Yumi. Natawa naman ito. "Let me guess, sina Ms. Claire at Jack ang tinutukoy mo ano?" "H-hindi, ah," pagtanggi ko. Mas lalo lang lumawak ang ngiti ni Yumi. "I am working with camera

