Jack "We didn't force her. Kusa siyang nagpunta rito," bungad ni Don Clemente pagkarating namin dito sa opisina niya. "Sino'ng niloloko niyo? I saw your son talking to her in a cafe. Ibinigay niya pa nga ang calling card niya kay Myton." Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin. "Still we didn't force her. Wala rin akong balak na isama siya sa mga babaeng ipapadala namin abroad. Makakagulo lang siya sa operasyon kapag nagkataon. Dahil paniguradong hahanapin ninyo siya," mahinahon pero maawtoridad na turan ni Don Clemente. Sa kabila ng edad nito ay bakas pa rin ang tapang ng aura nito. "Kung gano'n, bakit nandito siya? I have already cancelled and paid for our contract with your company. We are no longer working for your company." Hindi pa rin maipinta ang mukha na tanong ko. Pero mahinah

