Kinabukasan nagising ako na wala na sa tabi ko ang mag-ama ko ngunit napansin ko ang isang box na malaki sa aking tabi. Bumangon ako at tiningnan ko ito. Mayroong notes na nakadikit doon, kinuha ko iyon at binasa. "Baby, wear this tonight. I love you!" Napapangiti ako habang binubuksan ko ang kahon. Napatutop ako sa aking bibig nang makita ko ang laman nito. It's a dress... it's a long red dress. Kinuha ko iyon sa loob ng kahon at binuklat. Sinukat ko ang dress at tamang-tama lang din ang sukat sa katawan ko. Ang ganda ng pagkakagawa magmula sa fabric and design ng dress. Although spaghetti strap ito pero hindi revealing ang dating. Napapangiti ako habang tinitingnan ko ang sarili kong reflection sa salamin. Hindi ko alam na marunong din pala siyang pumili ng dress na babagay sa akin

