CHAPTER-4

1588 Words
* * Ilah's POV * * "Oh anak, behave ka lang dito mamaya, huh? Babalik agad si Mama pagkatapos ng interview ko. Ipagdasal mo na matatanggap si Mama dito sa aaplayan ko para makabili ako ng paborito mong toy," nakangiting bilin ko sa anak ko habang ako na ang susunod na tatawagin maya-maya lamang para sa interview sa kumpanyang ito kung saan ako nag-aapply bilang secretary. Habang nag-aabang ako sa aking turn, sinisiguro kong maayos ang aking suot at nag-iisip ng mga sagot sa posibleng tanong ng mga interviewers. Nakatingin ako sa aking anak na abala sa paglalaro sa kanyang tablet, umaasa akong makakayanan kong makuha ang posisyon na ito para sa kanya at para kay Papa. "Wag po kayong mag-alala, Mama. Ipinagdasal ko na po yan kagabi pa! Alam kong matatanggap po kayo, kasi the best po kayo at magaling pa," masayang turan ng anak ko, na lalong nagpalakas ng aking loob. Sa murang edad niya, ganito na siya kadaldal; siguro ay namana niya sa akin ang walang preno sa pagsasalita. Nakakatuwang isipin na sa kanyang murang edad, may ganito na siyang tiwala at suporta para sa akin. Pero kahit ganoon, masaya ako dahil kahit may pagkadal-dal siya, nandoon pa rin ang po at opo bilang paggalang sa mga kausap niyang mas matanda sa kanya. Isinasama ko rin pala siya sa mga interview ko dahil wala akong mapag-iwanan sa kanya sa bahay. Alam kong mas mabuti nang magkasama kami kaysa mag-alala ako sa kanyang kalagayan habang ako’y nasa interview. Habang nag-aantay kami sa aking turn, naiisip ko ang mga sakripisyo ko para sa kanya, at bawat ngiti at masayang salita niya ay nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban ko para sa aming kinabukasan. Nang makita kong lumabas ang nauna sa akin na ininterview, muli kong inayos ang suot ko at ang mahaba kong kulot na buhok na nakatali sa likod ng aking ulo. “Oh, ano anak, ayos lang ba ang suot at itsura ni Mama? Walang dumi sa mukha si Mama mo? Baka mamaya may chocolate ice cream pa ako sa labi,” walang preno kong tanong sa anak ko. Kumain kasi kami ng paborito niyang chocolate ice cream kanina bago kami pumunta dito sa napakahalagang interview ko. “Ayos na ayos po, Mama! Ang ganda-ganda niyo po!” nakangiting sagot ng anak ko, na tila labis ang tuwa sa aking anyo. Mga bata talaga, hindi marunong magsinungaling, at ang mga papuri nila ay talagang nakakataba ng puso. “Ilah Nobles!” tawag ng isang babae sa akin na siyang tumatawag sa mga nakapilang nag-aapply din ng trabaho katulad ko. “Yes, ma’am, here,” masayang sagot ko at hinalikan ko mona, ang anak ko, sa ulo bago ko siya iniwan sa kanyang kinauupuan. Pagkalapit ko sa babae, hinatid niya ako sa isang silid kung saan pumapasok ang mga iniinterview. Pagkahatid niya sa akin, agad din niya kaming inawat ng taong mag-iinterview sa akin. “Please take a seat, Ms. Nobles,” wika sa akin ng isang matangkad at medyo may edad na lalaki. Base sa itsura niya, mukhang gwapo siya noong kabataan niya dahil hanggang ngayon ay mahahalata sa kanyang mukha ang kanyang kagwapuhan kahit medyo may edad na rin siya. Parang ang kanyang mga mata ay puno ng karanasan at kabaitan. “Maraming salamat po, Sir,” sagot ko nang may kaunting nerbiyos at umupo ako sa harap ng kanyang lamesa, na may mga dokumentong nakalatag dito. “By the way, I’m Benedict Tuazon, the owner of this company,” pakilala niya, na ikinagulat ko nang lubos dahil siya pala mismo ang may-ari ng kumpanyang ito kung saan ako nag-aapply. Napaka-sipag naman niyang tao para siya pa ang mag-interview sa mga gustong mag-apply sa kanya, samantalang puwede naman niyang iasa ito sa ibang mga empleyado niya. Ipinakita nito ang kanyang dedikasyon at malasakit sa kanyang kumpanya. “Ilah Nobles po,” magalang na sagot ko sa kanya, habang iniisip ko ang mga posibilidad na nag-aabang sa akin. “Your last name looks familiar to me; parang narinig ko na ito dati, pero hindi ko lang maalala kung saan,” sabi niya na nakangiti, na tila nag-iisip. Base sa paraan ng kanyang pagsasalita, mahahalata mong mabait at mapagbigay siyang tao. “But anyway, Ms. Nobles, I’m looking for a secretary and a personal assistant as well. Kung sakaling matanggap ka, puwede ka sa kahit anong posisyon sa dalawa?” panimula niya, na nagbigay sa akin ng pag-asa. “Yes po, Sir. Puwede naman po, pero hindi po ako magsisinungaling; sa pagiging personal assistant, wala po akong karanasan, pero willing to learn naman po anytime at handa akong matuto,” sagot ko, na may determinasyon sa boses ko. “Good! That’s exactly what I’m looking for. Don’t worry dahil ituturo sa iyo ng P.A. ko ang mga dapat mong gawin bago siya umalis kung sakaling doon ka matanggap sa trabaho na 'yon,” sabi pa niya, na ikinatuwa ko dahil mukhang hindi ako mahihirapan kung ganon. At least, malaki ang chance na matanggap talaga ako dahil dalawang trabaho pala itong interview na ito. Saglit na namayani ang katahimikan habang seryoso niyang tinitigan ang aking resume para basahin ang mga nakalagay doon, na nagdulot sa akin ng kaunting kaba habang naghihintay sa kanyang susunod na sasabihin. “Mukhang masipag at matalino kang tao, Mrs. Nobles,” wika niya matapos basahin ang resume ko, na puno ng mga karanasan at kakayahan ko. “I’m sorry to call you Ms. earlier; akala ko kasi ay—” “Ahh, okay lang po, Sir Benedict Tuazon,” biglang sabi ko, dahilan para hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba, pero sinubukan kong manatiling kalmado. “Ms. Nobles na lang po, or Ilah. Opo, may anak po ako, pero wala na pong tatay yung anak ko at hindi ako kasal, kaya Ms. po talaga at hindi Mrs.,” dagdag ko sa sinabi ko, na tila pinapaliwanag ang aking sitwasyon sa kanya. “Ohh, okay, Ms. Nobles,” sabi niya, na may pag-unawa sa kanyang boses. “Anyways, you’re hired! My manager will contact you soon kung kailan ka magsisimula, at doon mo rin malalaman kung magiging secretary ba kita o P.A.,” sabi niya, na ikinatuwa ko nang labis. Ang balitang ito ay parang musika sa aking mga tainga. “Naku, Sir Benedict Tuazon, maraming maraming salamat po! Promise, hindi po kayo magsisisi at gagalingan ko kahit secretary at P.A. pa po yan,” masayang turan ko. Hindi ko na napigilan ang aking kadaldalan dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. “Ay, sorry po, Sir Benedict Tuazon,” paghingi ko ng pasensya nang mapatingin siya sa kamay niya na hawak-hawak ko. Sa sobrang saya na nararamdaman ko, nahila ko pala ang kamay niya nang pareho kaming tumayo sa aming kinauupuan. “It’s okay, Ms. Nobles. So see you soon, okay?” nakangiti niyang sabi. Kasunod noon, nagpapaalam na ako sa kanya at dali-daling lumabas para puntahan ang aking anak na nasa labas, na naghihintay sa akin nang may labis na pananabik. “Anakkk!!” masayang sabi ko na may kunting tili nang maupo ako sa tabi ng anak ko, na tila puno ng excitement. “Natanggap po ba kayo, Mama?” masaya nitong tanong sa akin, ang mga mata niya ay kumikislap sa kasabikan. “Oo, anak! Naku, buti na lang at mabait yung may-ari ng kumpanyang ito, kaya naman natanggap agad ang Mama,” masayang balita ko sa anak ko, na nagbigay ng ngiti sa kanyang mukha. “Sabi ko naman po sa iyo, Mama eh. Ipagtadasal ko rin po ang magiging boss niyo kasi mabait siya,” nakangiting saad ng anak ko, at hinawakan ko ang kanyang ulo sabay gulo ko sa kanyang buhok. “Oo, anak, deserve niya ang pray mo kasi mabait siyang tao at masipag, katulad mo at katulad ng Mama mo,” sabi ko naman, na puno ng saya habang tinitingnan ko ang aking anak. Niyaya ko na siyang umuwi dahil hapon na rin at baka gabihin pa kami sa daan. Medyo may kalayuan kasi itong inapplayan ko mula sa aming tinitirahan, kaya mukhang kakailanganin namin lumipat ng bahay na mas malapit dito. Para naman hindi sayang ang oras at hindi na ako mahirapan sa kakabyahe araw-araw. Kailangan ko na ring maghanap ng magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako, dahil hindi ko naman siyang puwedeng isama o iwan sa bahay ng mag-isa. “Mas mabuti na rin siguro kung maghanap tayo ng mas malapit na tutuloyan dito, anak, at magbabantay na rin sa’yo sa bahay kapag nagtrabaho na si Mama,” dagdag ko, habang naglalakad kami palabas ng building na puno ng pag-asa at saya. “Bakit po, Mama? Hindi po ba ako puwedeng sumama sa inyo sa trabaho niyo po?” magalang na tanong pa sa akin ng anak ko, na puno ng pagnanasa at kuryusidad. “Hindi puwede, anak, kasi magiging busy si Mama. Hindi kita mababantay ng maayos pag ganon,” sagot ko naman, habang hawak-hawak ko ang isang kamay niya. Ang mga mata niya ay puno ng pang-unawa, ngunit alam ko na nag-aalala siya. “Ahh, okay po, Mama,” nakangiting wika niya kasabay ng pagtingala niya sa akin, na tila tanggap na tanggap ang aking paliwanag. Mabuti na lang talaga at super duper bait ng anak kong ito at madaling makaintindi sa mga nangyayari sa kanyang paligid sa murang edad niya. Ang kanyang pagkakaunawa ay nagbibigay ng saya sa akin, na nagpaparamdam na hindi ko nag-iisa sa aking mga hamon sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD