Chapter 39 "Infairness, ang laki nitong Beach resort mo, ha?" Tumatango na komento pa ni Zabina habang inililibot sila ni Axel. "Outcome of so many years of hardwork," tugon lang din naman ni Axel. "Wait. Baka masyado kang work-a-holic, ha? Baka mapabayaan mo ang Ate? Naku, sinasabi ko sa'yo. Maraming suitors 'yan sa Maynila. Kapag nalaman nila na buhay si Ate, ewan ko na lang sa'yo," banta pa ni Zabina. "Zab, baka maniwala si Axel niyan. Kung makapagsalita ka naman, parang ang ganda-ganda ko," saway naman ni Zara sa kapatid. "Yes, Ate. Ang ganda-ganda mo. Magkamukha tayo kaya hindi ko pwedeng sabihin na pangit ka. Saka nagsasabi lang ako ng totoo. Kapag pinabayaan ka niya, marami ang naka-abang," paliwanag naman ni Zabina sa Ate niya. "I know. Don't worry, Zab. Hindi ko naman papaba

