Pinilit ni Pat na umupo. Itinaas niya pa din hanggang leeg niya ang kumot. Pinigilan niyang huwag ngumiwi but somehow nahalata pa din ng kapatid niya. "Sure ka na okay ka lang?" alalang tanong ng ate niya. "A-Ate okay lang ako pero pwedeng pakikuha mo ako ng pain reliever? Meron ako sa medicine cabinet sa banyo. Ang sakit kasi ng likod ko. Dahil siguro sa matagal na pagkakaupo ko kahapon." pagsisingungaling niya. "Sige sandali." nagmadadaling pumasok ang ate niya sa banyo. Inabot ni Pat ang baso sa bedside table niya. She took the pill na iniabot ng kapatid niya. Pagkainom, "Ate pakisabi na lang kina papa at Alex na bababa na ako. Mag-shoshower lang ako." she said. Medyo kunot ang noong tinanong ng ate niya, "Kaya mo ba?Tutulungan na kita." "Kaya ko. Sige na ate ikaw naman

