"Nagbakasakali ako na I'll see you here tonight. Buti pala nagpunta ako. Ang swerte ko naman lalo wala ka pang bantay. Madalang mangyari to eh."sabi pa nito. "Matt.." she began as she started to walk again," hindi na pwede yung kagaya ng dati. And tungkol sa nangyari kagabi...." "Angel," Hinawakan nito ang braso niya to stop her from walking, "about last night,thank you." he said. Ang ganda ng ngiti nito. "At least nahalikan na kita." "Shh!!" saway ni Pat sabay lumingon from left to right. "Please naman Matt! Baka may makarinig sayo." bulong niya. "Let's forget about that okay? Huwag mo ng babanggitin yun please." pakiusap niya. He just lightly touched her chin then got her backpack from her para ito na ang magbitbit. He motioned to her na mauna na siya while he walks behind her. S

