"S-Sige papasok na ako. Papalabasin ko na lang si mama." sabi niya. "No! Ako ang papasok!" malamig na sagot ni Alex. She silently pleaded to him with her eyes. "I said ako ang papasok.." matigas na sabi nito. Tahimik lang na nagmamasid ang kuya niya Palipat-lipat ito ng tingin sa kanila. Nagbaba ng tingin si Pat then sighed. Bahala na. "Pat!" tawag ng mama niya bago tumayo. "Kanina pa naghihintay si Matt sayo." "Tita,good evening po." bati ni Alex na kasunod niya. Her mother's face lit up ng makita ang "manok". "Alex! Magandang gabi iho. Salamat sa paghatid mo kay Pat." Tumayo din si Matt. Ang guwapo nito sa suot na black polo at dark maong. "Angel." nakangiting tawag nito sa kanya. Sumulpot bigla ang kuya niya. "Parang nangyari na dati ito. Yung nagkasabay na..." "ALL

