"Pat! Guess what?"bungad ni Kim sa telepono. She just finished taking a shower bago matulog ng tumawag ang bilas ng bestie niya. "What?" medyo excited na tanong niya. "Nagustuhan ng kliyente ang mga kuha mo! He wants to meet you tomorrow. Pwede ka ba?" tanong ni Kim. Medyo napangiwi siya. Parang nag-aalangan siyang kitain ang kliyente. Tsaka para ano pa? Anyway ayaw na niya ulit mag photo shoot. Pero nakakahiya naman kay Kim. Mukhang excited ito for her to meet their client. "Ahh..um..mga what time ba daw? Sasamahan mo ko ha?" tila nag-aalangang sabi ni Pat. "Sure! So anong time ka pwede para masabi ko sa client?" "After work na lang." "Sige I will call him then tawagan na lang kita ulit ha?" Kim said before ending the call. Eksakto 6 PM palabas na si Pat ng opisina to meet

