Excited si Pat. Ngayon na ang uwi ni Alex. Hindi ito nakakuha ng mas maagang flight. Okay na din.Time flies naman. He knows na darating siya sa condo nito. She offered to pick him up from NAIA pero sabi nito, magtataxi na lang daw ito. Ang hindi alam ng nobyo, she is planning to cook dinner. Actually hindi siya marunong magluto talaga. Malamang nga pag ikinasal sila nito, si Alex ang palaging magluluto. She smiled. Wala pa siyang sinabihan sa balak ni Alex na pagpapakasal nila. Sabi ng nobyo, he will propose to her properly. Pagpasok ng condo, inilapag niya lahat ang mga dala-dala sa kitchen table. Planong niyang magluto ng pasta .Pero siyempre store-bought ang sauce, iinit niya lang. At least ang pasta lulutuin niya. May binili din siyang marinated chicken. According sa instructions

