KABANATA 19

210 Words
(Alaala parin ni Maverick) PAGKATAPOS ulit ng isang linggo... nagkita ulit kami ni Rina sa isang convenience store. Hindi ko alam kung bakit naman kasi hindi na matiis ni Carla na hintayin kaming makauwi sa bahay para doon nalang siya kumain ng ice cream. Talagang pinilit pa ni Carla na magpark ako at ibili siya ng ice cream. Hindi na ako nakipagtalo at ginawa nalang ang gusto niya. Dala ko na ang dalawang ice cream at palapit na sa counter ng makita ko siya. "Excuse me? Wala na ba kayong cookies and cream flavor?" Tanong ni Rina sa isang staff saka napailing nalang ng sagutin siya ng kausap na wala na. Napatingin ako sa hawak ko. Cookies and cream ang dala ko. Iooffer ko ba to? Paano? "Excuse me." Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko ng makita ko si Rina sa harap ko. Nagkatitigan kami. Medyo matagal. Ano? Naaalala ba niya ako? "Padaan." Sabay seryoso niyang sabi pero bago pa ako makatabi nagkaroon na siya ng daan sa gilid ko pagkadaan ng isa pang babaeng may dalang cart. Dala ang cart, nagpunta si Rina sa counter. Habang inaayos niya ang pinamili niya nasa malayo lang ako at kunwari may tinitignan pa pero siya lang naman ang sinusulyapan ko. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD