KABANATA 17

201 Words
MAVERICK'S POV (Alaala parin ni Maverick.) HINDI ko siya kikilalanin dahil girlfriend siya ni Gerard. Hindi ako interesado. Yun ang naisip ko nung una kong makita si Rina pero pagkatapos ng isang linggo nakita ko ulit siya. Hindi ako makapaniwalang hindi siya nawala sa isip ko sa nagdaang isang linggo. At ngayon, nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit ako sumama kay Hoej para sundan namin ang girlfriend niyang si Maika na pinaghihinalaan niyang may ibang lalake. Marami akong dapat gawin ngayon pero pinili kong sumama sa kanya ng sabihin niyang magkasama ang mag bestfriends at mukhang may i-dadate na mga lalake. Hinala niya lang yun dahil ayaw siyang isama ni Maika. May tatlongpung minuto na kaming nakaupo ngayon sa isang table sa foodcourt ng mall habang pasikreto naming tinatanaw sa malayong table sina Maika at Rina. Umiinom ng fruit juice ang dalawa habang nagkwekwentuhan. Hindi ko alam kung bakit pero nagugustuhan ko at pumapabor sakin ang sitwasyon namin kasi natititigan ko si Rina mula sa malayo. Gustong gusto kong pinapanood lang ang mga ngiti at tawa niya. Kung paano siya magsalita at kung paano niya sipsipin yung straw sa iniinom nyang juice.  Gustong-gusto kong pagmasdan ang mga ngiti niya. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD