PAUNAWA:
Araw-araw po akong magdadagdag ng chapter.
Ang storyang ito ay under revision.
Salamat po sa pang-unawa.
RINA'S POV
PINILIT kong abutin ang cellphone na tumutunog na nakapatong sa table malapit sa kinahihigaan kong mahabang sofa. Pinatay ko yun ng makita kong nag-aalarm yun tapos ibinalik ko ulit sa table.
Hays...nakatulog pala ako... Inat ko ng mapatitig ako kisame at maalala ang eksena kanina matapos gamutin ang sugat ko sa hospital na pinagdalhan sakin ni Rick.
Oo, dinala niya ako sa hospital. Gusto daw niyang siguraduhin na hindi maiimpeksyon ang sugat ko o hindi ako matetetano. Mababaw lang naman ang sugat ko, sabi ng doctor. May itinurok saking gamot ang doctor para hindi mamaga at gumaling yun agad.
"Rick... sa hotel mo ko ihahatid di ba?" Pagsisigurado ko paglabas namin ng hospital.
Tinitigan niya lang ako.
"Hey! Don't tell me nagbago na isip mo?" Paawa ko ulit. "Sorry na nga eh."
"Nagsinungaling ka nung sinabi mo sakin na 'nabigla ka lang sa mga nasabi mo sakin kanina' diba?"
Napakagat labi ako.
Hinawakan niya ang balikat ko. "Simula ngayon, sa harap ko hindi mo kailangang sabihin ang mga inuutos sayo. Mas gusto kong sabihin mo sakin kung ano ang nararamdaman mo."
Matagal na nangusap ang mga mata niya.