Mabilis siyang napaatras sa pag-aakalang nagising niya si Savannah. Mabuti na lang at hindi ito nagising, napangiti siya sabay iling. Fvck, pakiramdam niya ay nahulog ang puso niya kasama ng kanyang atay! Letse, para siyang isang magnanakaw. Sunod-sunod ang kanyang paghinga. Muli siya lumapit at marahan na sumampa ng kama. He took the chance na mayakap niya ang babaeng mahal niya at muli itong mahagkan. Savannah is peacefully sleeping in his arms. Matinding pagtitimpi ang kanyang ginagawa, lalo pa at hubo't hubad ito sa ilalim na suot nitong roba. Huminga siya ng malalim. Idinantay niya ang binti sa hita ng babaeng mahal niya habang nakayakap ang isa niyang braso sa bewang nito at nasa ilalim naman ng leeg nito ang isa pa. Napangiti siya. Malaya niyang namasmasdan ang maamong mukha

