Napabalikwas siya ng bangon dahil sa malakas na tunog ng alarm clock at sa pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad na sumalubong sa kanya ang kadiliman ng paligid. Bahagyang nakabawi na ang kanyang katawan mula sa matinding pagod. Lumingon siya sa kanyang bedside table at tumingin sa kanyang glow-in-dark alarm clock. It was seven in the evening. Oras na upang mag gayak at harapin ang hamon ng bagong misyon. Bumaba siya mula sa kanyang kama at inunat ang kanyang magkabilang braso kasabay ng mga haginit na tunog ng kanyang mga litid sa bawat pag galaw niya ng kanyang leeg, balikat at braso. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa pader at ng makapa niya ito ay agad niyang binuksan kasabay ng pagbadha ng liwanag sa loob ng silid. She took a deep sigh. Tunog ng aircon at ingay ng mga sasakya

